webnovel

Heartless

Nakakawa yung itsura ni Elena, Basa pa ng luha yung mga mata niya at namamaga pa iyon. Suot parin niya yung damit niya kanina kasalukuyan na siyang natutulog habang may oxygen sa nakabit sa kanya at dextrose. Andun na si Nika at Dave nag aasikaso sa kanya kaya di na kami lumapit ni Martin pero nakita nila kami kaya napilitan akong lumapit pero di sumunod sakin si Martin nanatili siya sa bandang pintuan at naka tayo.

"Kamusta siya?" Tanong ko para di naman masyadong awkward.

"Okey naman na binigyan ko na siya ng pangpakalma." Sagot sakin ni Nika.

"Matagal na ba niyang sakit yan?"

"Bata pa kami may hika na siya, kaya di pweding mapagod ng husto at ma stress."

"Sino nagdala sakanya dito sa ospital?" Takang tanong ko. Kasi iilang minuto palang kami nakaka alis ni Martin sa condo niya tapos asa ospital na siya kagad.

"Nung nahirapan na siyang huminga agad siyang bumaba at humingi ng tulong sa guard sa baba kaya mabilis siyang nadala dito sa ospital."

"Wala ba siyang maintainace na gamot if ever aatakihin siya pwedi niyang inumin."

"Alam ko meron siguro nagpanic na siya ng husto kaya di na niya naalala."

"Hmmm..." Sagot ko kay Nika. Di ko maiwasang magduda bilang Doctor alam mo na yung first aid maliban nalang kung gusto mo talagang magpapansin.

"Okey naman na siya, alis na tayo!" Yaya sakin ni Martin.

"Di ba natin hihintayin na mailipat muna siya sa ward?" Tanong ko paano kararating lang namin.

"May pasok ka pa bukas at anong oras na, Andito naman si Nika and Dave kaya na nila siyang asikasuhin saka on the way na rin si Lola di na tayo kailangan dito kaya tara na!" Hinila na ko ni Martin at di ko man lang nagawang mag-paalam sa mag-asawa.

"Pare saglit!" Tawag ni Dave. Huminto si Martin at tiningnan siya.

"Baka pwedi kitang maka usap saglit may sasabihin lang sana akong importante."

"Speak!"

"Doon tayo sa office ko! Pero sana tayong dalawa lang."

"Kung di mo kayang sabihin sa harapan ng girlfriend ko wag mo nalang sabihin, aalis na kami." Muling humakbang si Martin palabas ng Emergengy Room pero humabol si Dave.

"Fine... Dito tayo!" Nauna siya samin lumakad kaya naka sunod kami ni Martin. Hawak-hawak parin niya yung kamay ko habang naglalakad kami ng magkasabay.

Pinapasok kami ni Dave sa maliit niyang office may dalawang lamesa andun malamang para sa kanila ni Nika. Agad niya kaming pinaupo sa mahabang sofa na sinunod naman namin.

"Regarding kay Elena!" Sabi ni Dave samin.

"Mukang mali yung taong dapat mong kinakausap. Wala na kaming relasyon at wala na rin akong paki sa kanya." Matigas na sabi ni Martin halatang naiinis na siya kaya piniga ko yung kamay niya para sana sabihing pakinggan namin si Dave.

"Alam ko yung Pare na wala ka ng paki sa kanya pero sana pakinggan mo muna ako."

"Hays..." Buntinghinga ni Martin halatang wala parin siya sa mood makinig pero di na siya komontra sumandal na lang siya sa upuan na parang walang paki.

"Na diagnose si Elena ng breast cancer stage one kagaya ng sa Mommy niya."

"Ano naman magagawa ko sa sakit niya di naman ako Doctor kaya no sense kung bakit kailangan mo yang sabihin sakin yan?" Sagot ni Martin na parang di man lang nabigla sa news na may sakit si Elena.

"Alam ko naman yung Pare kaya lang sana iwasan nating ma-stress si Elena para di bumilis yung pagkalat ng cancer cells sa kanya. Ang gusto ko lang sanang sabihin kung pwedi lang sana kahit magkaibigan na lang kayo at wag mo siyang tratuhin na parang masama siya tao. Please consider yung pinagsamahan niyo in the pass kahit yun lang sana." Mahabang salaysay ni Dave.

Dahil sa sinabi niya umupo ng tuwid si Martin halatang di niya nagustuhan yung sinabi ng isa.

"Masaya na ko sa buhay ko at kuntento na ko kay Michelle. Di ko siya kailangan kahit sa anong paraan. Sa halip na ako ang kinakausap mo bakit di mo siya kausapin na lubayan niya ko dahil wala siyang mapapala sakin." Tuluyan ng tumayo si Martin at hinila na ko pero bago kami tuluyang makalabas ng opisina muling nagsalita si Dave.

"HEARTLESS!"

Mabigat na sabi ni Dave pero di na iyon pinansin ni Martin at tuluyan na kaming lumabas at umalis.

Pagdating namin sa Pad niya agad siyang pumuntang bar section at naglabas ng alak at uminom. Hinayaan ko lang siya, alam ko naman di maganda yung nangyari ngayong araw.

Dumiretso na ko sa kwarto niya at naligo't nagbihis. Sobra din yung stress na naranasan ko ngayon araw parang napaka kumplekado ng mga naganap. Habang naka higa ako sa kama naiisp ko yung sinabi ni Dave kay Martin. may sakit si Elena pero sabagay stage one pa lang yun kaya marahil maagapan naman saka madami naman siyang pera plus doctor pa so satingin ko di naman talaga yun malaking problema. Di ko lang maiisip is nasa America na nga siya bakit kailangan pa niyang umuwi ng Pilipinas eh andun na nga yung magagaling na Doctor maliban na lang kung nagpapansin talaga siya. Ang di ko rin maintindihan kung talagang mahal niya si Martin bakit kailangan niyang bumalik kung kailan may girlfreind na si Martin bakit hindi nung wala kami. Ang daming tanong sa isip ko di ko talaga maintindihan yung relasyon nilang dalawa.

Ang tumatak sakin is nung sinabi ni Dave na heartless si Martin. Para kasi sakin di siya ganung tao ang alam ko lang labis siyang sinaktan ni Elena nung ipa-abort niya yung baby nila yung ang mas heartless.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Martin sakin. Nakaupo na siya sa gilid ng kama at nangangamoy alak.

"Wala naman! Ligo ka na para mapreskuhan ka!" Utos ko sa kanya.

"Samahan mo ko!"

"Tapos na ko! Ligo ka na hintayin kita di muna ako matutulog!"

"Samahan mo ko!" Paglalambing niya sakin.

"Hays ang kulit!" Sagot ko pero tumayo na ko kasi alam ko di naman niya ko titigilan.

Di na ko hinayaang maglakad ni Martin dahil binuhat niya na ko Princess style papasok sa banyo.

Inuupo niya ko sa may gilid ng lababo kung saan nakalagay yung mag bathroom toiletries at naka talikod ako sa may salamin nasa pagitan ng dalawa kong legs naka tayo si Martin. Nakasuot ako ng silk nighties at sa ilalim noon ay panty lang.

Siguiente capítulo