Napabilis yung trabaho ko sa Baguio maagang natapos dahil dun Wednesday morning bumibiyahe na ko pa Manila. Ito rin yung gusto sakin ni Boss Helen kasi sakin kung kayang tapusin tinatapos ko kagad di ko na pinagbubukas. Dapat ng Tuesday night babyahe na ko pa Manila pero di niya ko pinayagan masyado na daw gabi mahirap na at yun din ang sabi ni Martin sa akin kaya nagpalipas muna ako ng isa pang gabi sa hotel. At pasalamat din ako kay Boss Helen dahil nga maaga ako natapos di niya na ko pinag report sa office at gusto niya is magpahinga na ko.
Sa kasamang palad gusto ng magaling kong boyfriend sa Pad niya ko magpalipas ng gabi at bukas na daw ako umuwi. Ang tagal namin nagdiskusyun tungkol sa pagtulog ko sa bahay niya ang ending napapayag rin niya ko sa kadahilanang sasabihin daw niya sakin yung nangyari sa Laguna nung pumunta siya.
Ayaw niyang kwento sakin sa phone at mas maganda daw sa personal kaya dun na daw ako matulog. Ang daming alam pero syempre ang ending nun alam niyo na.
"Asan ka na?" Text niya sa akin.
"Malapit na, along Edsa na." Reply ko.
"Pasundo kita kay Mang Kanor sa Cubao."
"Wag na Pasay yung sinakyan kong Bus eh, diretso na lang ako sa Pad mo. Doon na lang tayo magkita."
"Nasa office pa ko, may meeting pa kasi ako pero after nito pwedi na kong umalis."
"Ganun ba, diretso na lang ako diyan."
"Sure ka?" May halong pag-aalala niyang sabi sa akin.
"Oo naman bakit?"
"Wala naman, sige magtaxi ka ha wag ka ng mag bus!"
"Opo!" Naisip nanaman niya siguro yung pagtitipid ko pero sympre di ko siya susundin wala naman akong dalang mabigat sayang ang pamasahe.
"Michelle mag taxi ka ha!"
"Haha... haha... Oo!" Mukang nabasa niya yung iniisip ko.
"Text mo ko kapag nasa lobby ka na papasundo kita sa baba."
"Okey po!"
"Ingat ka!"
"Opo! I lover you!" Diretso ko ng sagot kasi alam ko naman yun ang magic word para matapos yung pag uusap naming dalawa.
"Haha... haha... Naunahan mo ko ah!"
"Sympre alam ko na!"
"Sir mag start na po yung meeting!" Narinig ko na may nagsalita malamang yung secretary niya yun at tinatawag na siya.
"Oh sige na!" Tinatawag ka na.
"Oo nga eh! I love you too!" Sabay baba niya ng phone.
Kababa ko pa lang ng phone ng muli itong tumunog.
"Hello Boss?"
"Michelle magkikita ba kayo ni Martin?"
"Ho?" mabilis kong tanong paano di ko maisip kung paano nalaman ni Boss Helen yung pagkikita naming dalawa.
"Haha... haha... Actually nasabi na sakin ni Martin yung relasyon niyo nung mag meeting kami kahapon. Sinabihan nga niya ko na wag na daw kitang ipadala sa malalayong lugar at natatakot siya baka mapaano ka lalo pa nga't mag isa ka lang na pumupunta dun sa mga site."
"Pasensya na po Boss ha! Pero wag niyo po siyang pansinin okey lang po ako!"
"Sinabi niya rin sakin kapag pinadala pa daw kita di na daw siya makikipag business transaction sa akin. Akalain mo yun pinagbantaan pa ko!"
"Ano? Yaan mo Boss kakausapin ko po siya mamaya. Pasensya na po!"
"Haha... haha... okey lang naman yun. Wala namang kaso sa akin isa pa tama naman talaga siya delikaso nga naman yun sa part mo kaya hayaan mo di na kita ipapadala sa malayo na walang kasama."
"Naku Boss wag naman ganun ayaw ko naman isipin ng mga kasama ko na pinapaburan mo ko masyado dahil lang sa request ni Martin."
"Don't worry ako na bahala! By the way kaya ako napatawag may bago kasing project si Martin na ipinapagawa. Dahil nga papunta ka naman diyan baka pweding pakuha na lang din at dalhin mo sa office bukas."
"Ah sige po walang problema."
"Salamat kung ganun! By the way wag mo kong kalimutang kuning ninang ha!"
"Naku Boss matagal pa yun di pa po namin napag-uusapan masyado pa pong maaga!"
"Ganun ba? Sabi kasi sakin ni Martin mag-ipon na daw ako ng pangregalo sa inyo kasi malapit na daw kayong magpakasal."
"Wag niyo po yung pansinin baka nasobrahan ng inom ng gamot niya!"
"Haha.. haha.. sige kung ganun! Ingat ka!"
"Opo!" Pagbaba ng phone napahawak ako sa batok ko. Biglang sumakit ewan ko ba sa boyfriend ko ito parang naging madaldal parang gusto pang i announced sa mundo yung relasyon namin. Humanda lang talaga ito sa akin mamaya eh.
Agad akong sumakay ng taxi ng pagbaba ko ng bus. Kailangan kong sundin si Bossing kasi tiyak ko mamaya hahanapan ako nun ng resibo sa taxi para lang masiguradong di ako nag jeep.
Nasa sentro ng Makati yung opisina ni Martin. Doon mo makikita yung hanggang fifty floor na building. Halos isa sa pinaka mataas ng building sa area. Dahil nga galing ako sa field naka casual wear lang ako suot yung plain white shirt ko at naka dennim jeans habang naka black na rubber shoes. Naka tali ng pony tail yung wavy kong buhok habang naka sukbit sa balikat ko yung back pack ko mapagkakamalan mo kong college student dahil doon at takaw pansin lang is yung maganda kong hubog ng katawan. Wala akong make-up tanging lip shinner lang ang gamit ko para di maging dry yung labi ko. Kaya nung lumapit ako sa receptionist bigla siyang nagulat nung hanapin ko si Martin lalo pa nga ng banggitin ko lang yung name niya na parang natural lang.
"May apppointment po kayo sa kanya?" Mabait namang sagot sakin nung babae. Maganda rin siya halos kung titingnan ko malamang di nagkakalayo yung edad namin.
"Actually personal kasi yung visit ko sa kanya." Nahihiya kong sagot. Ayaw ko naman kasi siyang tawagan kasi nga alam ko nasa meeting siya ngayon at ayaw ko siyang maistorbo.
"Paano pong personal, kaibigan po ba niya kayo or kamag-anak?" Matiyagang tanong niya sa akin.
"I'M HIS GIRLFRIEND!"
Proud kong sagot makaganti man lang sa kanya kasi pinangangalandakan niya sa Boss ko na boyfriend ko siya buti nga ako sa receptionist niya lang sinabi.
"Ganun po ba? Wait lang try kong tawagan yung secretary niya. Ano pong name nila?"
"Michelle de Vera!" Pagpapakilala ko pero nakita kong tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa. Marahil para kilatisin kung karapatdapat ako sa claim ko bilang girlfriend ni Matin. Kung looks ang pagbabasihan malamang wala siyang comment dun. Pero pagdating sa pananamit ang accesories sa katawan ko at gamit malamang madami siyang masasabi pero "who cares?" Bahala siya kung anong gusto niyang sabihin.
"Wait lang!" Sabi sa akin ng receptionist habang dinadial yung telephono malamang para tawagan yung sa secretary ni Martin. Kaya matiyaga akong naghintay. Pero di niya binanggit sa secretary na girlfriend ako ang tanging narinig ko lang is may naghahanap na babae named Michelle de Vera.