webnovel

Yes, my dear!

"Sigurado kang ayaw mong pakasal sakin?"

"Sino namang gustong pakasal sayo sa ganitong sitwasyon?"

"So kapag okey na sa pamilya ko papakasal ka na sakin?"

"Anong ulam natin Ma?" Tanong ko kay Mama at binalewala ko lang yung tanong ni Martin. Sa totoo lang kasi di pa ko handang magpatali pero di ko alam kung paano yun sasabihin sa kanya.

"Adobong manok!"

"Yun sarap!" Papuri ko kay Mama sabay halik sa pisngi niya. Very thankfull ako kay Mama kasi pag may sakit ako or bad day lagi niyang niluluto yung favorite food ko. Yun talaga siguro ang koneksyon ng isang anak sa kanyang ina kahit di ka magsabi alam niya.

"Upo na Martin ng makakain na tayo!" Sabi ni Papa sa kanya habang tinapik siya sa balikat. Kaya umupo na siya sa tabi ko.

"Nagka ayos na ba kayo?" Seryosong tanong ni Papa.

"Okey na po kami Tito!" Mabilis na sagot ni Martin.

"Mabuti naman kung ganun kung maliit lang naman na bagay wag niyo ng palakihin pa. Ganyan naman talaga di maiwasang may mga bagay kayong pinagtatalunan basta ang importante ay napag uusapang mabuti."

"Masinsinan nga yung usapan nila Pa eh!" Sabat ni Mike. Na agad kong tiningnan ng masakit na parang pinagbabantaan ko siya "Subukan mo lang magsalita ng di kanais nais sasamain ka talaga!"

"Actually Tito at Tita gusto ko po sanang hingin na yung kamay ni Michelle gusto ko na sana siyang pakasalan."

Sakto namang kakasubo ko lang ng kanin nung sabihin niya yun kaya agad akong nasamid.

"Hack...Hack...! Ubo ko. Mabilis akong inabutan ni Martin ng isang basong tubig at hinimas yung likod ko. Nakatingin samin si Papa, Mama at Mike na pare-parehong nabigla din sa sinabi niya. Kaya nung maka recover ako agad aong nagpaliwanag.

"Nagbibiro lang si Martin Papa at Mama wag niyo po siyang pansinin! Hehe...hehe...!"

Sabi ko para mawala ang tensyon. Di ko alam anong nakain nito kung bakit sinabi iyon sa magulang ko. Kaya agad ko siyang tiningnan pero nasa muka ko yung salitang "Umayos ka!"

pero parang di niya iyon naintindihan.

"Seryoso po ako!"

"Martin naman! Three months pa lang tayo paano mo naisip na pakasalan ako kagad!" Bulyaw ko sa kanya.

"Wala yun sa tagal para masabi mong gusto mong pakasalan ang isang tao." Seryoso naman niyang sagot sa akin..

"Excuse lang Pa ha at Ma kausapin ko lang saglit si Martin." Sabay hila sa kanya pagkaka upo at mabilis ko siyang dinala sa rooftop.

"Ano bang iniisip mo? Bakit naisip mo yung ganung bagay ano ka ba?" Naasar kong sabi.

"Para wala ng magawa yung pamilya ko kundi tanggapin ka na kasi kasal na tayo!"

"Di naman solusyun ang sinasabi mo! Lalo mo lang pinapalaki yung problema eh!" Pinipilit kong kumalma kaya panay ang buntong hininga ko.

"Ikaw nga ang solusyon mo maki pag cool off sakin."

"Eh di ba nga di ka pumayag!"

"Kaya ayaw mo ring pumayag na pakasal sakin?"

"Martin ha naiinis na talaga ako! Bubugbugin na kita!" Pagbabanta ko na para na kasing sasabog yung utak ko para akong tangang nagpapaliwanag sa isang batang ayaw intindihin yung sinasabi ko o sadyang ayaw lang niyang intindihin.

"Hays... sorry na! Kalimutan na lang natin yung nangyari sa araw na ito! Wag na tayong paakto sa kanilang lahat ha!" Sabay yakap sakin.

"Hays... okey! Pero gusto ko kausapin mo si Elena para di na siya umasa."

"Opo yun ang una kong gagawin ang kausapin siya at ang family ko."

"Pero ayaw kong sabihin mong ako ang dahilan kung bakit ayaw mo na kay Elena just tell them na di na talaga kayo para sa isa't isa."

"I KNOW WHAT TO DO!"

"At yang pagpapasal na sinasabi mo tigilan mo!" Sabay pingot sa tenga niya.

"Bakit ayaw mo ba talagang pakasalan ako?" Malungkot niyang tanong sa akin.

"Di naman sa ganun di ba nga sabi ko sayo masyado pang maaga malay mo bigla kang mauntog then na realize mo si Elena parin pala ang gusto mong pakasalan!"

"Di yun mangyayari! Kapag hindi pa ikaw yung babae para sakin di na ko mag-aasawa!"

"Etsus mo! Tara kain na tayo! Kainis ka sinira mo yung apetite ko adobo pa naman yung ulam." Sabay hila sa kanya uli pababa.

"I love you!" Bulong niya sa akin habang nasa hagdan na kami. Bigla akong napahinto at nilingon siya sinulyapan ko lang siya at di sinagot. Muli akong humakbang pababa pero di siya gumalaw at pinigilan niya yung paghakbang ko pababa ko at hinigpitan yung pagkakahawak sa palad ko para di ako makaalis.

Wala akong nagawa kundi lingunin siya uli para malaman kung anong arte niya.

"Di ka pa nag I love you sakin." parang batang nagmamaktol.

"Gusto ko ngang makipag cool off sayo gusto mo sabihan pa kita ng I love you?" Tanong ko sa kanya habang naka taas ang kilay pero sympre niloloko ko lang siya.

"Pakakasalan kita sige pag di ka nag I love you!"

"Haha... haha... para kang bata! Tara na, nagugutom na ko!" Muli kong hila sa kanya pero di siya gumalaw.

"Di tayo aalis dito hanggat di ka nagsasabing mahal mo ko!"

"Tara na po mahal ko baba na po tayo!" Malambing kong sagot sa kanya.

"YES MY DEAR!"

Abot langit niyang ngiti sabay akbay sa akin. Sabay na kaming bumaba ng hagdan para makakain.

"Okey na kayo?" Muling tanong ni Papa.

"Ayaw po niyang pumayag na pakasalan ako!" Sumbong ni Martin habang paupo kami.

"Paano ka papakasalan eh pinaiyak mo kagad!" Sagot ni Papa.

"Wag po kayong mag-alala Tito last na po yun!"

"Siguraduhin mo lang Martin alam mo naman ayaw kong umiiyak yang anak ko na yan dahil pumapangit yan kapag umiiyak!" Pagbibiro ni Papa pero may halong pagbabanta yung sinabi niya.

"Tama naman si Michelle, Martin masyado pang maaga para pag-usapan niyo yung pagpapakasal mag-enjoy muna kayo bilang mag boyfriend and mag girlfriend. Pasasaan ba at darating kayo sa point na yan ang mahalaga is kilalanin niyo munang mabuti ang isa't isang para malaman niyo kung kayo talaga. Tama rin yung sinabi ng Papa niya wag mo siyang pinapaiyak dahil totoong pumapangit yan!"

"Mama naman sinigundahan pa si Papa!" Naka ngiti kong sabi. Alam ko naman naglalambing lang sa akin yung mga magulang ko.

"Napansin ko nga rin po!" Sagot ni Martin. Na mabilis kong tiningnan ng masakit at mabilis naman niya kong inalo sa pamamagitan ng paghalik sa noo ko.

Di ko parin naabot yung 100 na power stone huhuhu... sad much!!!

pumirangcreators' thoughts
Siguiente capítulo