webnovel

Were King and Queen of Hearts

"Tapos ka na kumain?"

"Oo"

"Kuya paligpit na po yung table."

Utos ni Martin sa waiter na dumaan sa lamesa namin pinakuha niya lahat ng pinggan pinag kainan naming lahat. Huli na kong natapos sa aming lahat paano ba naman ang dami niyang sinandok sa pingan ko. Busog na busog talaga ako halos di na ko makahinga sa kabusugan. Nahihiya naman akong di ubusin yung pagkain ko sa pinggan baka kasi isipin ng kamag-anak niya na masayang ako sa pagkain kaya kahit umay na umay ako pinilit ko paring ubusin. Kaya lang nung pag angat ko ng tingin nakita kong nakatingin ang Lola niya sa akin.

"Iniisip ba niyang matakaw ako?" Tanong ko sa isip ko.

"Uminom ka ng wine para bumaba yung kinain mo." Sabay abot sa akin ni Martin ng isang kopitang naglalaman ng isa mapulang likido na agad ko namang tinanggap.

"Salamat! Busog na busog ako." Reklamo ko habang hawak ko yung tiyan ko at napasandal sa upuan.

"Halata nga eh, ang lakas mong kumain!"

Pang-aasar pa akin ni Marting habang hawak yung kamay ko.

"Pinilit ko nga lang ubusin yun noh sayang naman kung di ko kakainin saka bakit ang dami mo kasing nilagay?" Pagrereklamo ko sa kanya.

"Takaw mo!" Madiin niyang sabi sa akin sabay halik sa pisngi ko.

"Takaw ka diyan!" Sabay hampas ko sa braso niya.

"Haha... haha...!" Malakas niyang tawa kaya napatingin tuloy saming dalawa yung parents at grandparents niya na seryosong nag-uusap regarding sa company nila.

Dahil dun bigla akong nahiya paano baka isipin nila na naglalandian kami ni Martin sa harap nila.

"Tara sayaw tayo!"

"Ha!" Nagulat ako sa pagyaya sa akin ni Martin di pa nag sink in sa akin yung ibig sabihin niya ng hilahin niya na ko patayo. Nasa unahan ko siya at hila hila niya ko papuntang gitna.

Nung marealize ko na seryoso talaga siya. Agad na ko nag react.

"Wait lang!" Nasa kalagitnaan na kami ng dance floor ng bumitaw ako sa pagkakahawak niya.

"Baki?" Takang tanong niya sa akin.

"Nakakahiya!" Mahina kong sabi.

"Bakit nakakahiya?" Takang tanong niya.

"Hays... Tingnan mo tayo lang dalawa ang magsasayaw. Saka pinagtitinginan nila tayo! Nakakahiya!" Mahina kong sabi habang naka yuko paano feeling ko lahat ng tao sa event sa amin naka tingin. Di ko mapigilang mapa kagat labi dahil dun.

"Ikinahihiya mo ba ako?" Seryong tanong sa akin ni Martin.

"Syempre hindi!" Mabilis ko namang sagot kasi natatakot ako kung bakit yun naman ang iniisip niya.

"Yun naman pala eh! Bakit mo nanaman sila iisipin. Paki nila gusto natin mag sayaw!"

"Kaya lang..." Di na ko pinatapos magsalita ni Martin ng ilagay na niya yung kamay niya sa baywang ko at nag simulang mag sway ng katawan niya.

"Ang ganda ng music oh and don't mind them!"

"Ano naman ikina ganda ng music?"

Irap ko sa kanya habang inilagay ko na rin yung dalawang kamay ko sa balikat niya.

"WERE KING AND QUEEN OF HEARTS."

Sabay kindat sa akin.

"Ang baduy mo!" Pagrereklamo ko sa kanya.

"Kunyari ka pa malang sinayaw mo rin ito nung JS Prom mo."

"Hmmm... actually Oo!" Pagsang ayon ko rin sa kanya. Paano ba naman mawawala ang kantang King and Queen of hearts ni David Pomeranz na sikat na sikat sa JS Prom at maging kasalang ang di ko lang alam pati pala sa ganitong event ay pinapatugtog rin siya. Sabagay favorite nga ito ng magsing irog na sayawin.

"Mukang iniisip mo kung sino yung kasayaw mo nung JS Prom ah, seryosong seryoso ka!"

"Di naman na kailangang isipin pa yun sympre yung boyfriend ko!"

Naningkit yung mata ng marinig ni Martin yung sagot ko.

"Mukang nakaka limot ka ah na di na siya ang boyfriend mo!" Galit na sabi ni Martin.

"Ay sorry mukang nalasing na ata ako!"

Hinawakan ko pa yung sintendo ko para talagang effective yung drama ko.

"Nalasing ng kalahating baso ng wine?" Naka taas pa yung kilay niya. Parang naka rinig siya ng biggest joke of the year.

"Haha... joke lng ikaw naman!"

Lambing ko sa kanya habang ipinulupot ko sa leeg niya yung mga kamay ko. Nginitian ko siya ng ubod ng tamis na parang inaakit.

"Humanda ka sa akin mamaya!"

"Grabe ka, malamang nga ikaw si Elena yung lagi mong kasayaw sa kanta na ito."

Maarte kong sabi sa kanya.

"Wag natin siyang pag usapan kung pwedi nga lang ayaw ko ng marinig yung pangalan niya."

"Grabe ka naman! Ganyan ka ba talaga sa Ex mo?"

"Change topic tayo!"

Mahina niyang sabi sa akin dahil nga ramdam ko na ayaw na niya yung pinupuntahan ng usapan namin di na ko nagpumulit. Sakto naman na natapos na yung kanta.

"Tara na balik na tayo!"

Yaya ko sa kanya. Agad naman siyang sumang ayon sa akin.

Pero di pa kami nakaka rating sa table namin ng may humarang sa aming isang lalaki. Kasing tangkad siya ni Martin halos same built silang dalawa. Guapo rin siya ang pinagka iba lang nila mistiso yung lalaki. Matangos din ang ilong, tapos ang mata naman niya ay bilugan. Manipis lang ang mga labi niya na naka ngiti.

"Kamusta caz?"

Bati niya sa amin. Doon ko napagtanto na pinsan pala siya ni Martin di ko nga lang sure saang side ng magulang niya.

"Mabuti naman! Akala ko di ka makaka punta."

"Cancel yung meeting ko kaya sa halip na mag mukmok ako sa bahay pinili ko na lang pumunta dito baka sakaling may makita akong interesting."

Sagot ng lalaki habang nginitian ako. Malang nakita ni Martin yung tingin niya sa akin kaya agad ako nitong inakbayan para ipakitang pagmamay-ari niya ko.

"By the way this is my girlfriend Michelle!"

Pagpapakilala niya sa akin sa lalaki.

"Hon this is my cousin Lucas!"

Agad naman ni Lucas inilahad yung palad niya para sana maki pagkamay sa akin. Agad ko naman sana yun aabutin pero mas mabilis sa akin si Martin dahil siya ang umabot nun.

"Nice meeting you caz!"

Natatawang sabi ni Lucas kay Martin di niya akalain siguro na di hahayaan ng isa na magkadaupang palad kaming dalawa.

"Mauna na kami!"

Tipid na sagot ni Martin. Muli niya akong hinawakan sa kamay para sana bumalik sa table namin ng muling magsalita si Lucan.

"Baka pwedi namang maisayaw yung girlfriend mo?"

Napa hinto sa paglalakad si Martin at napa higpit yung hawak niya sa palad ko. Nilingon niya si Lucas at seryosong nagsalita.

"In your dreams!"

Sabay muling hila sa akin para tuyang maiwan si Lucas na nakatayo doon.

Siguiente capítulo