webnovel

CHAPTER 14

Jessy P.O.V

Magulo ang isip ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sabayan pa ng nakabibinging sigawan ng mga taong nandito na para bang excited na sila sa gagawin ko. Tumingala ako sa itaas upang humingi ng senyales sa tamang gagawin ko.

"Sundin mo siya." seryoso na sa matigas na tono na bigkas ni Ahraw.

Nanginig ang katawan ko sa binitawan na salita ni Ahraw, napayuko ako habang nakatingin dito 'kay Akimi. Ayoko man itong gawin, pero mukhang kailangan ko na talagang gawin ito.

"Kill! Kill! Kill!"

"Kill! Kill! Kill!"

Sigawan na nila kaya muli akong tumingala at tumingin mismo dito sa sinasabi nilang BlackMoon. Hindi ako kumurap titig na titig ako sa mga mata niya at walang alinlangan na dinala ko ang karet na hawak ko sa leeg ni Akimi. Nagtalsikan pa ang mga dugo bago ko binato kung saan ang karet na hawak ko matapos kong gilitan ang leeg nito.

Bagsak sa sahig si Akimi habang naliligo sa dugo. Nanginginig naman ang katawan ko sa sobrang galit at pagakatakot sa ginawa ko, pikit matang lumabas ako ng ring.

"Mga manonood, nakita niyo naman ang napakagandang laban. At madugong laban ngayon, paano ba yan panalo si Mr. Smith ngayon." masayang wika ng announcer.

Naglapitan naman sa akin si Eveth, Helga at Andrea ganun rin si Danica. Niyakap nila akong apat. Kaya kahit paano huminto ang panginginig ng kalamnan ko.

Tahimik kaming lahat ako tulala at naalala ko pa rin ang pagpatay ko 'kay Akimi. Tinitingnan ko ang palad ko na kumikitil ng buhay niya, naramdaman ko na lang ang pamumuo ng luha sa dalawang sulok ng mata ko.

Pagdating namin sa bahay direstso ako agad sa kwarto at patihayang humiga. Bakit ba kailangang pumatay? Pati ang isang katulad ko na na takot pumatay ay nagawang pumatay dahil sa kanila. Isip ko at inaalala ang mga nangyari kanina, hindi pa rin takaga ako makapaniwala na nakapatay ako ngayon.

Narinig ko na bumukas ang pinto, hanggang sa may pumasok dito sa pinaka-kwarto. Nakita ko agad ang nag-aalalang mukha ni Ahraw, binaling ko sa ibang lugar ang paningin ko. Pinakiramdaman ko lang siya at hinihintay kung may sasabihin siya.

"Ayos ka lang ba?" mahinang tanong nito at tumabi ng pagkakahiga sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Hindi," sagot ko at tumingin sa kanya. Nagkatinginan kami habang nakahiga.

"Wala akong magawa, kailangan mong sundin dahil ikaw ang mapapahamak kung hindi mo 'yun ginawa." paliwanag nito sa akin habang ang mata niya nasa kisame nakatingin.

"Alam ko, pero hindi mawala sa isip ko ang ginawa ko. Paano ako makakatulog kung nakapatay ako?" naiiyak na sambit ko.

Tumingin ito sa akin at hinatak ang braso ko palapit sa kanya. Naramdaman ko na lang ang mainit niyang kawatan ng yakapin ako. Dito malayang lumabas ang luha ko na kanina ko pa gustong bitawan.

Iningat nito ang mukha ko at dumampi ang labi nito sa labi ko na nabasa ng luha ko. Masuyong halik na naghatid ng kakaibang sensasyon at nakalimutan ko ang nangyari kanina.

Para akong nilalagnat ng dumapo ang palad nito sa may bewang ko, pababa sa hita ko. Umakyat muli sa braso ko papunta sa isang dibdib ko, napasinghap ako sa pagsakop nito sa isa kong dibdib.

"Boss! Boss!"

Sabay na napadilat kami at natauhan dahil sa sunod-sunod na pagtawag ni Garry sa labas. Napakagat labi ko at sinulyapan ako ni Ahraw bago siya lumabas ng kwarto.

Naisipan ko naman lumabas at alamin kung bakit ganun na lang ang tawag ni Garry 'kay Ahraw. Pagbaba ko nakita ko na seryoso na nag-uusap ang dalawa sa may pintuan, sila Eveth naman 'ay wala doon. Baka na sa kusina kaya doon ako nagpunta at hindi nga ako nagkamali dahil nandun nga sila, ngunit napansin ko na wala si Danica dito.

"Nasaan si Danica?" kinakabahan na tanong ko, lumingon naman silang tatlo sa akin.

"Pinakuha ni Mr. BlackMoon kanina, malamang sa mga oras na to. May sinabi na si Danica tungkol sa mga nangyayari dito." seryosong sagot ni Eveth.

"Eveth, wala naman sigurong gagawin 'kay Danica o maging sa atin?" seryoso rin na tanong ni Helga.

Umupo naman ako sa bakante na upuan.

"Hindi ko alam, maaari ring baka pinatay na siya ngayon. Hindi ko alam kung anong balak nila boss ngayon, dahil nag-uusap sila ngayon ni Garry." sabi pa ni Eveth.

Napaisip naman ako sa mga sinabi ni Eveth at ni Helga. Si Andrea ay tahimik lang, hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko.

"Malaman ko lang talaga ang mga kasinungalingan na sasabihin ni Danica, ako mismo papatay sa kanya." seryosong salita ni Eveth na may halong galit.

Napansin ko naman si Garry na papunta dito at seryoso ang mukha. Naupo ito sa katapat na upuan ni Eveth at tiningnan kami.

"Kailangan niyong mag-ingat sa bawat laban ngayon." simulang salita nito na sa seryosong mukha. "Dahil mas mahigpit at marumi ang laban ngayon, kaya kung maaari. Lahat sa inyo mag-ingat at patuturuan kayo ni boss upang gumaling sa laban." paliwanag nito na palipat-lipat ang tingin sa amin.

"Bakit? Diba hindi puwede ang ganun? Dahil bawal 'yun?" react ni Eveth sa mataas na boses.

Naguluhan naman ako bigla sa nangyari dahil sa mga sinasabi ni Garry.

"Oo, pero ngayon iba na. Nagdatingan na mga opesyal na ng mga mafia at kabilaang doon si Mr. BlackMoon at ang boss natin. Iba ang labanan ngayon, mas marahas at delikado." muling paliwanag ni Garry.

Lahat kami natahimik dahil sa narinig namin, at nakaramdam ako ng takot sa mga mangyayari.

"Isang buwan mula ngayon, gaganapin ang pinakamalakihan na laban. Mula sa iba't ibang pangkat ng mga mafia lord, kaya kailangan niyong paghandaan ito." Basag ni Garry sa katahimikan namin.

Matapos ang pag-uusap namin nag-akyatan na kami sa mga kwarto namin. Dahil bukas ang umpisa ng pagsasanay namin, dahil ito kailangan na naming aralin ng husto.

Wala na si Ahraw dito dahil may meeting raw na pupuntahan, kinakabahan rin ako kahit paano 'kay Ahraw. Dahil alam kong hindi biro ang ginagawa niya sa araw-araw.

Nakatulog na ako sa malalim na pag-iisip.

-----

Mamatay ka na! Dahil nakapatay ka na. Malapit na ang kamatayan mo!

Napabalikwas ako ng bangon at hingal na hingal. Napanaginipan ko si Akimi, duguan pero may hawak na mahabang samurai. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa panaginip na 'yun, tumayo ako upang kumuha ng tubig.

Halos lumukso naman ang puso ko ng may makitang tao sa may kusina at nagkakape. Si Ahraw pala, seryoso ang mukhang nakatingin sa akin.

Nagpatuloy ako sa pagpasok at kumuha ng tubig sa ref. Inisang lagukan ko lang ang isang basong tubig, at nilipag ang baso sa lamesa.

"Ako mismo ang magtuturo sa'yo, dahil sisiguraduhin ko na mananalo ka." simulang salita nito.

"Ano bang nangyayari?" tanong ko lang dito. Tiningnan naman ako nito at wari'y nag-iisip ng sasabihin.

"Huwag mo muna ng tanungin, ang gusto ko mabuhay ka para sa akin at mag-ingat ka sa laban." seryosong salita at tumayo.

Umikot ito sa may likuran ko at bigla nalang niyang pinulupot ang braso niya sa beywang ko.

"Kung ano man ang mangyari sa laban na 'yun. Puputulin ko ang batas, at wala na akong pakialam sa kung ano man ang mangyayari. Dahil nakahanda na ako," sambit nito sa paos na boses malapit sa punong tenga ko.

Hindi ko magawang magsalita dahil hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko. Dahil mas nangingibaw sa akin ang init na hatid ng katawan namin, mas lalo na ang nararamdaman kong nakabukol sa may likuran ko.

Itutuloy....

🔫Black_Moon301

Siguiente capítulo