webnovel

My Innocent Maid XIX

Trish

I was shock when my phone vibrated in my pocket.

"Fuck!" gulat na mura ko at iritadong inilabas ang phone mula sa aking bulsa. But when I saw who texted, agad na nawala ang pagkairita ko at napangiti. The text message is coming from Marco and he wanted to talk to me.

"Where are you? Can I talk to you?"  nakangiting basa ko sa message nito. Agad akong nagreply.

"I'm at my condo. Will wait for you here."

Masaya ako nang pindutin ko ang send button. Nang makita kong naisend na ito ay agad akong pumasok sa kuwarto at dumiretso nang banyo. Kailangan kong maging sexy sa paningin niya. Ilang minuto lang ang inabot ko sa banyo ay nagmadali agad akong naghanap ng maisusuot.

Nang makapagbihis na ako ng isang maiksing shorts at spaghetti strap na damit ay agad na akong lumabas ng kuwarto at nagtungo sa sala para doon na ito hintayin. Wala pang kalahating oras nang may kumatok sa pinto. Tumingin muna ako sa nadaanan kong salamin at inayos ang sarili bago ko binuksan ang pintuan.

Tumambad sa akin ang mukha ng taong ilang linggo ko nang hindi nakikita. Oh how I missed this man so damn much. Dahil sa pagkamiss ko dito ay agad akong yumakap nang mahigpit. At nang hahalikan ko na siya ay bigla nalang nitong iniiwas ang mukha sa akin. Nagtaka ako sa inasal niya kaya napabitaw ako sa pagkakayakap ko dito at tuluyang niluwangan ang pintuan para papasukin ito.

Tahimik lang siyang pumasok at umupo sa pang isahang upuan na ikinapagtaka ko na naman. He acts different.

Now, I was totally confused of what's happening.  Lumapit ako dito at naupo sa kandungan niya. Agad ko namang ipinulupot ang dalawa kong kamay sa kanyang leeg.

"I missed you. Bakit ngayon mo lang ako naalala?" nagtatampong tanong ko dito at akmang hahalikan sa mga labi niya nang bigla niya akong patayuin at ako ang paupuin sa katapat nitong upuan. Nainis ako sa ginawa niya kaya iritado ko siyang hinarap.

"Seriously, Marco?" inis na tanong ko dito at napatayo sa kinauupuan ko. "You're avoiding me for how many weeks. Then now, your acting like you don't want me near. What's happening, Marco?" medyo galit nang sabi ko at pinamaywangan ito.

"I'm sorry." mahinang bulong nito na tamang-tama lang sa aking pandinig.

"What?" tanong ko dito at nagkunwaring hindi ko narinig ang sinabi niya. I just want him to repeat it.

"I said, I'm sorry!" medyo malakas nang sabi nito na ikinataas ko ng kilay.

"For what, Marco? Why are you saying sorry?" taas kilay kong tanong dito at hindi inintertain ang kabang pumapasok sa dibdib ko. It can't be!

"I know you have an idea why, Trish. Don't be naive." nainis ako sa sinabi niya. I'm not naive! I just want to make sure!

"I want to hear it from you. I want to know why, Marco." kalmado kong sabi dito at hindi pinahalatang malapit na akong sumabog sa galit.

"We can't be together, Trish. I don't love you anymore." nagpanting ang dalawang tenga ko sa narinig ko.

"Just like that! Hindi ka nagpakita sa akin ng ilang linggo and now you're telling me that fucking shits!" bulyaw ko dito.

"I told you the last time that I needed space to think. That time, my feelings for you are fading. Pagbalik ko malalaman ko ang ginawa mo sa Mom ko. That was unacceptable!" galit nitong pahayag sa akin na mas lalo kong ikinagalit. That old hag! Nagsumbong pa talaga. Buwisit!

"Nauna siya, Marco. She forced me to leave your house. All I wanted is to know where you are. I was shock when she hit me." pagpapaawa ko dito na ikinatawa niya lang.

"Cut that shit, Trish! You're good in acting but my Mom isn't a liar. Mom never hit anyone. So, stop this shits!" nanlilisik ang matang sabi nito sa akin.

"Fine! She never did it! But she's hiding you from me!" amin ko dito pero hindi ako nagpatalo at sinigawan din ito. I love him but I can't let him insult me.

"She never hides me from you. I did it to find myself. And now, sigurado na akong wala ka nang lugar dito." mahinahon na nitong sabi at itinuro ang puso nito. Nasaktan ako sa sinabi niya.

"You're lying, right? This is only a prank." umiiling na sambit ko at pinipigilang huwag lumuha.

"You know I never lie, Trish. I've loved you before but not now. I'm really sorry. You deserve someone better. Someone who can be there for you at hindi ka iiwan." mahinang sambit nito at tinitigan ako.

"No...no...no...that's not true. You love me, Marco. You love me." umiiling na sabi ko at hindi ko na napigilang mapaiyak. How can she do this to me. Minahal ko siya sa dalawang taong pagsasama namin hanggang ngayon. And now, he's telling me he doesn't love me anymore. That was heartbreaking for me. Umiyak ako nang umiyak dahil hindi ko matanggap ang sinabi niya.

"Ba-ka nagu-guluhan ka lang, Marco. I can give you some time. Just don't leave me." humahagulgol ko nang sabi dito at pabagsak na naupo sa upuan.

"I'm sorry, but my mind is intact and I'm sure of it na hindi na ikaw ang laman ng puso ko." malungkot na sabi nito na ikinagalit ko.

"Then tell me who is she! Who is she! Tell me, Marco!" tumatayong sigaw ko at lumapit dito.

Hindi ito umiimik at hinahayaan niya lang na yugyugin ko siya gamit ang damit niya. Sa sobrang galit ko sa kanya ay wala na akong pakialam pa kahit mapunit ang damit niya dahil sa higpit nang pagkakahawak ko. Mas lalo naman akong nagalit dahil sa hindi niya pag-imik.

"You don't want to tell me!" sigaw ko dito at pinunasan ang mga luhang tuloy-tuloy pa ring dumadaloy sa pisngi ko kahit nagagalit na ako. "Then I'll find it out myself. If time comes na malaman ko kung sino siya..." putol ko at dinuro siya sa kanyang dibdib.

"...I swear to God, Marco. I swear to him that I'll do everything na hindi ka mapunta sa kanya. Ako lang, Marco. Ako lang! At pag nalaman ko na kung sino siya. I'll make her suffer and make her life a hell." seryosong saad ko dito.

"Don't you even dare hurt her, Trish. You know me. Lahat gagawin ko para hindi mo siya masaktan. At oras na kantiin mo siya. Ako mismo ang makakalaban mo." madiin nitong sabi at galit na hinawakan ang magkabila kong balikat. Kahit masakit ang ginawa niya ay hindi ko ito pinahalata.

"I dare you, Marco. I can do that and I'm happy to see her hurting. So, if I were you. Hide her. And don't make me see kahit anino niya. Dahil pag nagkataon. I'll make her pay." galit na sabi ko dito at tinabig ang kamay nito. Dahil mas malakas ito sa akin ay hindi ko naalis ang kamay nitong mahigpit na nakakapit sa balikat ko.

"I will not let you. I promise you that. Just accept it, Trish. I don't love you anymore and nothing will change that. You can find someone better than me." Napaismid ako sa sinabi niya.

"Tsk! You will never be replaced. At gagawin ko ang lahat-lahat para bumalik ka sa akin. I will make you crawl for me and begging." desididong sabi ko at inalis nag kamay nito sa balikat ko. This time ay tuluyan ko nang naalis.

"It won't happen, Trish. It won't." saad nito.

"It can and It will be. Just wait for it, Marco." nakangising sabi ko dito na inilingan niya lamang.

"Nasabi ko na lahat nang gusto kong sabihin sa 'yo. I just came here to end what's going on between us. Were done and it will never be back again." sabi nito at tumalikod na para umalis. Pero bago pa niya mahawakan ang seradura ay nagsalita ako na ikinatigil niya.

"Don't let me find nor see her, Marco. I promise this day that if I ever see her? I make him pay at sa paraang hindi mo kakayanin." sabi ko na ikinalingon niya sa akin at ngumiti.

"Even if you see her. I won't let you hurt her. I guarantee you that. Mamamatay muna ako bago mo siya masaktan." nakangiting sabi nito at tuluyan nang umalis ng condo ko.

Nahahapo akong napaupo sa upuan pagkaalis nito. Hindi ko na napigilang hindi umiyak dahil sa nararamdaman kong sakit. Mahal na mahal ko siya at hindi ko siya kayang kalimutan. Samantalang siya, ang dali niya akong palitan sa puso niya.

Tumayo ako at dumiretso sa mini bar. Agad kong kinuha ang pinakamalakas kong stock ng alak at binuksan ito. Hindi na ako kumuha pa ng baso dahil tinungga ko na ito mula sa bote habang patuloy pa din ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata.

"How can I hate you, Marco." umiiyak kong sambit at uminom ulit sa bote ng alak. "How can I forget you!" sigaw ko at tumungga ulit.

Nang makalahati ko na ang alak  at naramdaman kong nahihilo na ako ay hindi pa rin ako tumigil. Gusto kong magpakalunod sa alak hanggang sa hindi ko na maramdaman ang sakit na dulot niya. Hanggang ngayon ay umiiyak pa din ako.

"Hindi ka pa ba nauubos na luha ka!" sigaw ko habang pinupunasan ang luhang kusang dumadaloy sa aking  pisngi.

Halos maubos ko na ang alak sa bote nang umikot na ang mundo ko. Basta ang alam ko nalang ay bumagsak ako sa sahig at napapikit nalang dahils a sakit at hilong aking nararamdaman.

"Paano ba ang lumimot?" mahinang tanong ko sa sarili ko at unti-unti nang nilalamon nang kadiliman.

Siguiente capítulo