"Awww 'wag ka ng umiyak bebe ko" pagmimic ni ate Merly sakin at dun ko lang naalala na yun yung time kung saan iniwan ko si Maro kanina para umihi.
"Bakit di mo sinabi agad ate o tinawag man lang sana" reklamo ko at dali kong binigay si baby Maro sa kaniya at tinignan si Carter sa music room at nakita kong nakatingin siya sa cctv kung saan kalapit lang nun ang recorder at speaker.
Wala akong ibang inaalala sa mga oras na ito kundi siya. Nakatingin siya na gulat-gulat sa cctv hanggang sa matauhan siya ay lumabas ito ng music room at diretsong pumunta sa kwarto niya.
Nang makapasok na ito ay bumaling ulit ako kay ate Merly na nakatingin na rin sakin.
"Tinawagan kita okay, kaso hindi ka sumasagot. Nakasilent na naman siguro 'yang phone mo. Kaya heto at tumakbo ako papunta rito mula first floor. Kung iniisip mo si Carter kung ano iniisip niya, aba'y oo. Sigurado akong ang iniisip nun ngayon may anak ka, kaya ka nagtatago. Sige sige at pupuntahan namin siya ngayon para ipakilala ko sa kaniya si Maro na anak ko at hindi mo anak. Kabilin bilinan ko kasi sayong tignan mo at kung ano ang mahawakan." Mahaba-habang pangaral ni ate Merly na tinango-tangoan ko nalang dahil ayokong isipin ni Carter na may anak na ako kaya ako nagtatago.
"Sige sige, salamat ate" at saka ko binalik ang tingin ko sa cctv kung nasaan ang kwarto ni Carter.
"Hayaan mo na at pupunta kami sa kaniya ni baby Maro. Sha at mag-ayos ka na, nariyan na secretary ng tito Nathan mo." paalala ni ate Merly na nakatingin sa cctv kung saan nakita niyang nagpark ang secretary ni tito at lumabas ng kotse niya.
"Sige, pakisabi nalang po na magdala sila dito ng merienda at wala akong ganang maglunch. Malapit na kasing magtanghalian ate kaya tawagin mo na rin si Carter para maglunch at pati na rin pala si Ms. Brena(Secretary ni tito Nathan), tawagin niyo na rin at sabihin niyong kahit mamayang pagkatapos nalang niyang maglunch saka kami magsimula." pakiusap ko habang inaayos ko ang mga pinaglaruan ni Maro at pinaghigaan.
Ano naman kung narinig ni Carter, wala namang masama sa mga narinig niya. Well, nakakatawa nga lang.
"Sige, sigurado ka bang ayaw mong maglunch? Yung mga paborito mong ulam ang linuto ni manang Milda." tanong ni ate Merly habang inaayos ang pagkakabuhat kay Maro.
"Sayang. Pero hindi na ate, tyaka malapit ng maglunch hindi pa 'ko naliligo. Ligo muna 'ko, basta magdala nalang kayo ng kahit anong merienda ate. Tinatamad kasi akong kumain ng kanin ngayon." at saka ako yumuko para halikan ng isang beses si Maro at iniwan sila para makaligo na.
"After 50 minutes or 1 hour and 20 minutes?" tanong ni ate Merly habang hindi pa ako nakakalayo at naghahanda pa lang silang umalis ni Maro.
Tinatanong niya kung anong oras bago nila ipadala yung pagkain ko. Inaabot kasi ako ng isang oras at yung time pa na magbibihis ako kaya para hindi lumamig yung pagkain ko kailangang ipadala yun pagkatapos ko mismong maligo.
"Hindi ko alam, sige tatawag nalang ako sa kusina ate." at saka ako ngumiti ng matamis sa kaniya na ikinailing niya at tuluyan na rin silang umalis.
Nagbababad kasi ako sa jacuzzi na puno ng rosas habang nakikinig ng kanta ni Carter. Ang sarap kaya sa feeling ng nakababad sa maligamgam na tubig at nakikinig sa kanta ni niya, napapapikit ako kada naririnig ko yung mga kanta niyang napakamalumanay, para kong nararamdaman yung nararamdaman niya habang kumakanta siya. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako nahuhumaling sa bawat kanta niya, ang alam ko lang, special siya sakin, siya ang lagi kong nagsisilbing araw at gabi.
Hindi ko na naman namamalayan isang oras na pala ang nakakalipas dahil unti-unti ng nauubos ang tubig ng tub na ibig sabihin ay nakalipas na ang isang oras na nakaset dito kung saan mawawala ang tubig pagkalipas ng isang oras.
Wala na akong nagawa kundi tumayo at maglinis ng maayos para makapagbihis at makakain na rin.
"Sino po nasa kusina?" pagkatapos kong magblower ay naisipan kong tumawag na sa kusina kung saan maririnig ako ng buong dining area.
Dahil nakapagblower na ako at ang pagpapalit nalang ang kailangan kong gawin, tumawag na ako habang nakahawak ako sa phone ko at tumitingin ng maisusuot.
"Ihahanda na po namin ang makakain niyo Miss Mcain." sa pagkakaalam ko ay si nanay Flora yun ang nanay ni ate Merly.
"Salamat po 'nay, pero 'wag po kayo ang magdadala dito. Mag-utos po kayo ng mag-aakyat at baka mapaano pa po kayo." bilin ko dahil matanda na rin si nanay Flora at madali na ring mapagod.
"Salamat Miss Mcain, ipag-uutos ko nalang po kay Crystal." pagtukoy niya sa anak ng tagapangalaga sa kalinisan ng mansyon na si nanay Perla.