Chapter 1963: Ang Tunong ng Masamang Kapalaran na Nakatok sa Iyong Pinto (14)
"Uh, wala lang iyon." Ang sinabi ni Uncle Qin nang subukan nitong pagtakpan ang katotohanan.
"Uncle, hindi mo ito maitatago sa amin. Sabihin mo na lang kung ano ang nangyari. Kung hindi, iisipin na namin ang malala," habang nakatingin sa kanyang tito, ang marahang sinabi ni Qin Chu.
Lumalabas na may suspetsa na ni Huo Mian simula ng madulas ito noon hapunan.
Kahit na pinagtakpan ito ni Qin Ning, maliwanag na hindi dito naniwala si Huo Mian.
Matapos ang ilang araw na magkasama, kilala na ni Huo Mian si Qin Ning.
Siya ang tipo na handang maglaan ng araw ng pahinga para lang makasama ang mga bata, kaya hindi niya maintindihan na hinayaan niya ang mga bata na maglaro mag-isa kasam ang mga guwardya na sumusunod lang sa utos niya para makabalik sa kanyang ginagawa. Siguro ay may nangyari.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com