Chapter 1202: Master Qin's Punishment (3)
"Huh? Syempre hindi, spoiled brat ba ako?" Umubo nang ilang beses si Huo Mian para matago ang pagkataranta niya.
"Sir, ano po gusto niyo for dinner? Sasabihin ko magluto na sa kusina." Lumapit si Unclie Li at kinuha ang jacket ni Qin Chu.
"Isang bowl lang ng noodles okay na, wala naman akong craving." Pagkatapos magsalita ni Qin Chu, tumakbo si Huo Mian papunta sa kusina.
"Honey, ako na magluluto para sayo. Gusto mo ba ng spicy o regular noodles?"
Tahimik na sinuri ni Qin Chu ang mukha ni Huo Mian.
"Hm, bakit mo ako tinitingnan nang ganyan?" tanong ulit ni Huo Mian. Tumitingin sa kaliwa't kanan ang mga mata niya pero hindi sa mata ni Qin Chu.
"Tingin ko… may tinatago ka sakin."
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com