webnovel

Sino ang Patagong Kumukuha ng mga Litrato (8)

Editor: LiberReverieGroup

Tumango si Huo Mian at ngumiti bilang sagot…

"Saan ka pupunta? Tanong ni Tang Chuan na para bang nagmamakaawa na mabugbog.

"Papunta ako sa canteen para kumain."

"Ha, pagkakataon nga naman, hindi pa kami kumakain. Bakit hindi tayo kumain ng sabay-sabay?" tanong ni Tang Chuan.

Hindi umimik si Su Yu at tiningnan lang si Huo Mian…

"Uhm… ang pagkain sa canteen namin ay… pangit ang lasa," magalang na paalala ni Huo Mian.

"Ayos lang yan, ako at si Mr. Su ay kayang kainin ang lahat basta ba pagkain ito, tama ba Mr. Su?"

Pagkatapos magsalita ni Tang Chuan, tiningnan niya si Su Yu at sinadyang itanong ito sa kanya…

Pagkatapos, mahina niyang dinagdag, "Lalabas na ako sa ospital bukas at wala na akong rason para pumunta sa South Side kaya binibigyan na kita ng tsansa at dapat pahalagahan mo ito."

Capítulo Bloqueado

Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com

Siguiente capítulo