"Bakit? Hindi mo sila gusto?"
"Depende ito sa nagpapadala ng bulaklak. Su Yu, isa kang opisyal na tagapagmana ng Su Family, kaya tigilan mo na ang paggawa ng mga ganitong weird na bagay na makakasira sa reputasyon mo, okay? Ano bang problema mo? Bakit ayaw mo akong tantanan? Sobra mo ng iniistorbo ang personal at buhay ko sa trabaho, pakiusap, tumigil ka na!"
"Huo Mian, pinapadalhan kita ng mga bulaklak dahil gusto ko… ito." Gusto sana sabihin ni Su Yu na ang dahilan nito ay dahil may gusto siya sa kanya pero sa huli, hindi niya kayang umamin.
Kahit na alam niyang 100% na nahuhulog ang loob niya kay Huo Mian, medyo nahihiya pa rin siyang umamin ng diretso tungkol sa nararamdaman niya.
"So, kailangan ko gustuhin na nakakatanggap ako ng mga bulaklak dahil gusto mo lang magpadala? Ano bang problema mo! Kapag hindi ka tumigil, gagasgasan ko ang Lamborghini mo."
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com