Pagkatapos ng ilang segundo, ibinaba ng receptionist ang phone at sinabing, "Tumawag ako sa opisina pero walang sumasagot. Baka nasa operasyon sila."
"Sige, salamat," magalang na nagpasalamat si Qin Chu at dumiretso sa OB/GYN Emergency Room sa ikaapat na palapag.
Nakasuot si Qin Chu ng kaswal na dress pants at custom-made na dark navy dress shirt. Sa kamay naman niya ay isang take-out.
Iniisip niya kung paano susuyuin si Huo Mian, pero napansin niya na sobrang bukas ng pinto sa OB/GYN offie at walang tao sa loob.
Siguro tiningnan ni Huo Mian ang mga pasyente niya kaya wala siya sa opisina nang ganitong oras.
Iniisip ito ni Qin Chu habang sinisindihan ang sigarilyo at sumandal sa may pader sa hallway habang naghihintay.
Sobrang gabi na at halos wala ng tao ang ospital, kaya walang problema kung maninigarilyo siya.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com