Nang marinig ni Yao Anqi ang tungkol sa pagsasaayos na ito, agad niyang tinanggal ang kanyang surgical gloves at nagtungo sa opisina ng hospital chief, "Chief, nakapagdesisyon na ako. Mayroon na akong anak ngayon, kaya hindi ako pwedeng magtrabaho sa battlefield."
"Anqi… sa totoo lang ikaw ay isang magaling na doktor. Hindi ko maaatim na makita kang umalis, pero …"
"Chief, hindi mo kailangan na ilagay ang iyong sarili sa mahirap na posisyon," sabi ni Yao Anqi habang inilalabas ang kanyang resignation letter at yumuko ng nagpapasalamat. Bago pa man makatugon ang Chief, tumalikod si Yao Anqi at umalis ng opisina.
Sa katunayan ay marami nang oportunidad ang dumaan sa kanya noon para umalis ng military hospital, pero dahil kay Xingzhe, hindi niya kailanman sinunod ang kanyang pangarap. Ngayon na ang mga bagay ay napupunta na sa kani – kanilang lugar, natural na panghahawakan na niya ang oportunidad na umangat ang kanyang karera.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com