Ang bawat tao sa loob ng industriya ay mayroong opinyon tungkol sa pagbabalik ni Elder Nangong. Pagkatapos ng lahat, walang sinuman ang karapat – dapat na kakumpitensya para sa Hai Rui. Kaya, ang paglago ng Springfall ay may layunin na makagawa ng isang level playing field.
Pagkatapos maupo ng matagal na panahon sa trono, oras na para may isang tao na humamon sa awtoridad ni Mo Ting.
Gayunpaman, nagkataon na inanunsyo ni Elder Nangong ang kanyang investment sa Springfall at ang kanyang pagbabalik sa entertainment industry, pagkatapos lamang mangyari ng pagsabog sa Hai Rui. Kaya, mahirap para sa publiko na hindi magkaroon ng ilang ideya.
Ang Mo family at Nangong family ay lubhang magkaaway at sila ngayon ay magkakumpitensya sa loob ng entertainment industry. Tila ang kumpitensyon ay malapit na maging mas kagila – gilalas kasya sa pagsabog….
Sa alinman paraan, kinakailangan lamang maupo ng publiko at tamasahin ang palabas!
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com