webnovel

Hindi Ko Siya Mabibigyan Ng Anumang Oportunidad

Editor: LiberReverieGroup

Upang malinis ang pagdududa sa film crew, dinala ni Mo Ting si Nangong Quan kasama niya sa set ng 'The Ant Queen 2'. 

Syempre, upang maiwasan ang sino man na makaalam, walang isa man ang nakakaalam na si Nangong Quan ay nakaupo din sa loob ng itim na Rolls Royce ni Mo Ting.

Ngunit, kahit pa pagkaraang tingnan ang lahat ng mukha sa crew, hindi nakakita si Nangong Quan ng anumang bakas ng kanyang lolo, o kaya ay nakahanap ng isang matandang lalake na may itim na marka sa likod ng kanyang kamay. Sa katotohanan, wala ngang kahit pa isang lalake sa crew na makakapareho sa edad ng kanyang lolo.

"Wala siya rito."

"Tiningnan mo na ba ng detalyado?" Paalala ni Mo Ting. "Kung kahit ikaw ay hindi mo makilala ang iyong lolo, kung ganon walang isa man ang makakagawa nito."

"Ilang taon na ang nakakaraan ng makita ko siya..." sabi ni Nangong Quan sa isang bahagyang malamig na tono. "Sa loob ng 20 taon na ito, tila tatlong beses ko pa lamang siyang nakikita."

Capítulo Bloqueado

Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com

Siguiente capítulo