Ang mataas na EQ ni Tangning ang tumulong na maresolba ang pagkailang ng ibang tao, ngunit paano naman ang tungkol sa kanyang sarili?
Nang gabing iyon, sa award ceremony, hindi na sinubukan ni Tangning na iwasan ang mga pagdududa habang nakaupo sa tabi ni An Zihao. Alam nilang dalawa kung ano ang katotohanan, kaya walang makakaapekto ng kanilang pagkakaibigan. Pagkatapos ng lahat, ang isang taong inosente sa huli ay mapapatunayan naman na walang kasalanan, lalo na dahil silang dalawa ay mayroong kanya kanyang taong minamahal.
Gayunpaman,ang mga tao ay patuloy pa ring silang itinuturo at pinag uusap sa kanilang likuran.
Halatang alam nila na mayroong problema, pero hindi nila iniiwasan ang mga pagdududa. Sila ay naghihintay na lapitan ng media?
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com