Hindi na nagsalita pa si Mo Ting. Ito ay isang tahimik na kasunduan na huwag masangkot.
Alam niya na iniisip ni Tangning ang tungkol sa kanyang nararamdaman higit kanino man. Kaya, ang dahilan kung bakit sinabi ni Tangning na hindi siya makikipagkita kay Han Xiuche ay dahil napakababa ng tingin niya sa taong ito, ngunit dahil na din sa ayaw niyang makaramdam si Mo Ting ng pagkailang; kahit pa si Han Xiuche ay hindi naman makakapantay sa kanya.
Pagkatapos, sinabi ni Tangning kay Long Jie, "Palihim mong imbitahin ang manager ni Ma Weiwei sa labas para mag tsaa. Sigurado ako na maaari tayong makakuha ng impormasyon mula sa kanya. Kung nagawa ng Han Xiuche na makuha ang Superstar Media kasama si Ma Weiwei, siguradong nakipagkita siya rito kahit paano."
"Ngunit, tiyak na ang manager ni Ma Weiwei ay hindi makikipagtulungan sa atin!"
"Sasabihin ko sa iyo kung ano ang sasabihin mo sa kanya," tiwalang wika ni Tangning.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com