Tanong: kung ang isang pangkaraniwang tao ay bibigyan ng pagkakataon na maging mayaman at tanyag, tatanggihan ba nila ito?
Syempre hindi!
Kahit na si Duan Jinghong ay nasa industriya na sa maikling panahon. Nasaksihan na niya ang kanyang patas na bahagi ng kinang at panghalina. Kaya, walang paraan upang siya manatili na lamang sa kanyang kasalukuyang sitwasyon. Kung si Tangning ay pumapayag na bigyan siya ng pagkakataon na malampasan si Song Xin at makamit ang katanyagan at kayamanan sa parehong pagkakataon, kahit pa isang taong mas konti ang talino ay hindi ipagpaparaya ang ganoong pagkakataon, lalo na ang isang taong tulad ni Duan Jinghong na palaging bahagyang inaabala ni Song Xin.s
"Ano… ano ang kailangan kong gawin?" si Duan Jinghong ay halatang masyadong naguguluhan na halos hindi makapagsalita.
Para kay Tangning, ito marahil ay isang simpleng desisyon. Ngunit para kay Duan Jinghong, ito ay sapat na upang baguhin ang kanyang buong buhay.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com