webnovel

Nabigo Ba Talaga Kita?

Editor: LiberReverieGroup

Kahit na nilinaw ng masyado ni Tangning ang lahat para sa kanya, hindi pa rin mapigilan ni Duan Jinghong na isaalang-alang ang pagkakaibigan nila ni Song Xin nang tinanong siya bilang tistigo laban dito. Kahit ayaw niyang maging emosyonal; kahit na halos mawala na ang kanyang mga paa; hindi niya pa din gustong gawin ito. Minsan, hindi alam ng tao kung anong makakabuti sa kanila.

Ngunit, may oras na masaya siyang balatan si Song Xin nang buhay at kunin ang bawat litid sa kanyang katawan.

Sumulyap si Tangning kay Duan Jinghong . Pagkatapos makita ang komplikadong tingin sa kanyang mga mata, bumuntong hiningi siya, "Tila, kailangan mo ng oras na pag isipan ito. Ngunit, babalaan kita, ang lahat nang ginawa ni Song Xin ay malalantad din sa lalong madaling panahon." Pagkatapos magsalita, tumayo na si Tangning sa sofa at umalis. Ngunit, bago niya maabot ang pinto, biglang nagtanong si Duan Jinghong, "Gaano mo kinamumuhian si Song Xin?" 

Capítulo Bloqueado

Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com

Siguiente capítulo