Sa katotohanan, ang paraan ng pagtrato ni Hua Wenfeng kay Mo Ting ay hindi katulad ng ginagawa ng normal na ina sa kanilang anak; halos tratuhin siya nitong kaaway.
Inaasahan ng lahat na ang marangal na tila haring si Mo Ting ay may inang bukas ang pag iisip, ngunit si Hua Wenfeng ay lubusang lumalabas na isang matandang ignorante.
Sumakay si Tangning ng elevator na diretso na sa opisina ni Mo Ting. Nang makita ni Tangning si Mo Ting na nakayuko at malalim na nag iisip, lumapit si Tangning dito mula sa likuran at marahang tinakpan ang tainga nito, "Huwag kang makinig sa lahat…"
Nang maramdaman ang init ng mga kamay ni Tangning, kaagad na binalot ng kamay ni Mo Ting ang kamay ni Tangning at inilagay ito sa kanyang labi para halikan, "Tanging ikaw lamang ang taong inuuna akong alalahanin kapag may nangyayaring hindi tama."
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com