Dahil sa panghihikayat ni Tangning, si Wei An ay nakipagkasundo at pinabagal ang bilis ng paggawa ng pelikula.
Si Taka ay lubos na nagulat dahil dito habang sinasabi kay Tangning sa putol putol na Chinese, "Masyado akong humaganga sa iyo. Bakit parang laging nakikinig sa iyo ang production crew? Alam mo ba kung paano kumilos ang mga American directors? Kapag hindi ka umarte ng maayos, sila yung tipong kaagad ka nilang palalayasin!"
Hindi maiwasan ni Tangning ang mapabulalas ng tawa, "Wala naman akong ginagawang espesyal. Nagpapakatotoo lamang ako sa harapan nila."
Umismid si Taka at nagsalita sa hindi magandang paraan, "Kayong mga Asyano ay mga magulo."
"Hindi kayo katulad naming mga taga-kanluran. Kung gusto namin ang isang bagay, gusto namin iyon; kung hindi namin gusto ang isang bagay, kung ganon hindi namin talaga gusto iyon. Hindi kami umaarteng mabait tulad ninyo."
Hindi mapabulaanan ni Tangning ang pahayag na iyon.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com