Hindi siya pinilit ni Tangning, ngumiti lamang so Tangning sa kanya.
Sa loob ng tinatawag na film and television industry, mayroon tatlong uri ng aktor: yung marunong umarte at sikat, yung marunong umarte pero hindi sikat at yung sikat pero hindi marunong umarte. Ang bidang lalake na si Lin Sheng ay malinaw na nasa unang uri, ngunit si Tangning ay maaring sabihin na nasa ikatlong uri.
"Ok lang, yan ang kanyang karaniwang ugali," pag aalo ng assistant director. Nag - aalala ito na kapag nagalit si Tangning ay magsumbong ito kay Mo Ting
Magiliw na ngumiti si Tangning at tumingin sa dako ni Director Coque. Lumapit si Director Coque kay Tangning at nakipag kamay. Nag salita ito sa French, "Sinabi ko na sa iyo, na ikaw talaga ang nakatadhana sa papel na ito."
"Pwede mo ba akong hayaan na sumubok ng isang eksena para naman makapag desisyon ang crew kung pa nila akong manatili," seryosong pakikiusap ni Tangning.
"Hindi mo na kinakailangang gawin pa iyon."
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com