Mga larawan?
Siguradong mayroong ilang mga larawan ang mga staff ng Hai Rui. Pero, hindi kailanman mangyayari na ibabahagi nila ang mga ito sa labas ng ahensya. Dahil sa usapang teknikal ay nagtratrabaho pa rin siya sa ilalim ng Hai Rui, ang makakuha ng mga larawan ay hindi mahirap na gawain. Pero, paano ang kabayaraan sa paglabag sa pinirmahang kontrata?
Ang kabayaran na ito ay malapit sa isang daang milyon! Walang lakas ng loob si Charlene na sumugal.
"Hangga't makakakuha ka ng larawan para sa akin, pwede kang humiling ng kahit ano," pagmamalaki ni Editor Lin.
"Pero, ang kapalaran ng paglalantad ng mga sekreto ng Hai Rui ay hindi maganda sa paningin."
"Iyon ay isang madaling isyu lamang na maaaring harapin. Kapag nawala ng isang staff ng Hai Rui ang kanyang telepono … at may nakakuha nito, sino ang pwedeng sisihin nito? Kahit na maghabol si Mo Ting, ang taong sisisihin niya ang ang taong nakawala ng kanyang telepono at hindi ikaw."
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com