Sa isang sandali, iba na bigla ng lahat kay Tangnig. Inggit, pagseselos, pakikipagtunggali; pinalibutan siya at hinusgahan siya ng lahat ng naroroon. Subalit, walang may lakas ng loob na tumungo sa kanya para harapin at galitin siya.
Simple lamang ang rason, naselyuhan na ng tatak ni Mo Ting ang katawan ni Tangning.
Kung ayaw na ng isang tao na magtagal sa loob ng industriya, maaari naman nilang subukin ang awtoridad ni Mo Ting.
Kumunot ang noo ni Tangning, napansin ni Huo Jingjing ang bahagyang paggalaw na ito ni Tangning, "Ito ay ang bagay na nakatakda talaga nating pagdaanan. Kailangan mong pagtiisan ito."
"Kailangan ko pa ng kaunting panahon para masanay," tugon ni Tangning. "Saka, tungkol naman sa hinaharap, napakarami pang bagay na hindi ko sigurado."
"Nanininwala ako na makakaya ninyong dalawa na sumulong ng magkasama!"
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com