Ibinaba ni Mo Ting ang kanyang ulo at inilagay ang ilong niya sa ilong ni Tangning, Kapag umaga, ako ay ang iyong manager. Kailangan kitang alipinin sa trabaho. Sa gabi, ako ay ang iyong asawa. Ang trabaho ko ay panatilihin ka sa kama..."
"Kung gayon, pakawalan mo na ang iyong alipin."
Niluwagan ni Mo Ting ang mahigpit niyang pagkakahawak kay Tangning, pinatay ang kalan at binuhat si Tangning papuntang silid nila bago ihiga ito sa kama, "Mrs. Mo, mas nagiging masama ka na habang tumatagal..."Pagkatapos magsalita, nagsimula nang maglibot ang mga kamay ni Mo Ting. Hindi nagtagal, ang kanyang mga paghawak ay napunta na sa mga binti ni Tangning. Nabigla si Tangning ng hindi niya namamalayan, ito ang naging dahilan kung bakit napaupo si Mo Ting habang makikita sa mga mata nito ang katanungan. Nang tingnan niya ang tuhod nito, napansin niya ang pasa sa maputing balat nito.
"Paano mo ito nakuha?"
"Nadulas ako banyo..."
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com