… matapos niyang maunawaan ang industriyang ito at masanay sa lahat ng uri ng pagmamahal, kahit gaano man kalaki ang pagmamahalan ng dalawang tao, mayroon pa ring pagkakataon na magtatapos ang kanilang relasyon sa trahedya.
Gayunpaman, ito ay dahil sa hindi pa niya nauunawaan kung anong klase ng babae si Tangning. Para sa publiko, ang dignidad ang kanyang pinagmamalaki at ang lahat ng mayroon siya. Pero, pagdating sa pag – ibig, ang isipan ni Tangning ay hindi tradisyunal. Kahit na magkaroon sila ni Mo Ting ng hindi pagkakaunawaan sa kahit na anumang rason, walang paraan na isusuko na lamang niya si Mo Ting nang ganoon na lamang.
Natapos ang unang araw ni Tangning sa Milan nang may sakit. May isang bagay na karapat dapat na banggitin, noong inaalalayan ni Long Jie si Tangning pabalik ng hotel, nakatagpo nila dito si Qin Yu sa elebeytor.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com