webnovel

Muling Nasampal Ni Tangning Sa Mukha

Editor: LiberReverieGroup

Ang kabangisan sa ekspresyon ng mukha ni Mo Ting ay matagal nang nawala, ang lahat na naiwan ay pag-aalala at kawalan ng kakayahan.

Ibinalot niya ang mga binti ni Tangning gamit ang mga damit na hinubad niya mula sa kanyang sariling katawan at kinuskos ang mga kamay nito sa pagitan ng mga kamay niya hanggang sa ang mga paa't kamay nito ay maging mainit. Saka lang niya marahang pinakawalan ang mga binti nito at tiningnan niya ito ng hindi natutuwa.

"Ayo slang ako," agad na sabi ni Tangning. Takot na hindi maniwala si Mo Ting sa kanya, sinabi niya ng madiin na, "Talaga."

Nang makita niya na natiling tahimik si Mo Ting, nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag, "Ako ay isang A-Grade model. Dapat mas alam mo na kaysa sa sinuman na hindi ako madaling daigin. Nakarating ako sa kung nasaan ako ngayon, hindi dahil sa aking pagpaparaya. Alam ko kung ano ang ginagawa ko, kaya naman pwede bang huwag ka nang masyadong mag – alala?"

Capítulo Bloqueado

Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com

Siguiente capítulo