Ipinagpalagay ni Yang Jing na umaakto si An Zihao sa ganitong paraan dahil sa hindi nito matanggap na natalos iya. Kaya, buong karangalan niyang inangat ang kanyang ulo.
Samantala, gusto lang ni An Zihao na tawanan siya, dahil para sa kanya, hindi siya iba sa isang payaso.
Walang sinuman sa kanila ang handang umamin sa kanilang pagkatalo. Sa huli, hindi na nais ni An Zihao na sayangin ang kanyang oras kay Yang Jing, kaya tiningnan nalang niya ito at sumipol, "Ipagpaumanhin mo, kailangan ko nang umalis para ihatid ang kontrata sa Her Vision."
Pakiramdam ni Yang Jing na nagpapantasya lamang si An Zihao. Ayon sa kanyang pakikipagkaibigan kay Editor Lin, tiyak na pag-aari na niya ang front cover ng Nobyembre.
Ang maliliit na pakana na sinusubukang laruin ni An Zihao, ay napagsawaan na niyang laruin nitong mga nakalipas na taon!
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com