Dahil ilang araw na siyang wala sa opisina, ang unang ginawa ni Mo Ting ay magpalabas ng pahayag upang malinis ang kumakalat na maling balita. Ang pelikulang 'Deadly' ay magpapatuloy at ang mga aktor ay hindi papalitan. Ang mga crew ay magpapatuloy sa pagshoshooting ng mga bahagi ng mga secondary character hanggang sa ang mga artista ng Hai Rui ay gumaling. At dahil sa pag – aasikaso ng Hai Rui, nakaramdam ng ginhawa ang mga tagahanga. At dahil sa mabilis na aksyon ng Hai Rui, ang lahat ay walang masabi.
Pagkatapos malutas ni Mo Ting ang lahat, agad siyang nagpadala ng mensahe kay Tang Ning. "Naging maayos ba ang iyong audition?"
"Hindi," bigong tugon ni Tangning, "Gumamit na naman si Yang Jing ng maruming pamamaraan … saka, kasama niya si Lan Yu. Tila gusto niyang agad na bumalik sa normal na kondisyon at gamitin si Lan Yu para hadlangan ako."
Nang makita ang mga linya ng text na ipinadala ni Tangning, nag – apoy ang mga mata ni Mo Ting.
"Lu Che..."
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com