webnovel

Ang Gabi Bago ang Shooting

Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos maghapunan, sinamahan ni Mo Ting si Tangning sa living area ng asyenda. Nang dumating sila, may ilang mga lalaking amerikano ang nakaupo sa loob habang hinihintay ang kanilang pagdating nila.

Hindi maintindihan ni Tangning kung ano ang gustong gawin ni Mo Ting, pero marahang inaliw siya ni Mo Ting, "Wala kang dapat na ikabahala."

Hindi nagtagal, ang amerikanong lalaki na namamahala sa kanila ay lumapit kay Mo Ting at nagsimulang makipag - usap dito. Ito ang oras na kung saan narinig ni Tagning ng hindi sinasadya ang kanilang pag - uusap at sa wakas naintindihan niya kung ano ang nangyayari - gustong bumili ni Mo Ting ng insurance para sa kanyang mga binti.

Hindi na pangkaraniwan sa mga kilalang tao na ipa - insure ang ilang bahagi ng kanilang katawan, pero ... karamihan sa kanila, ginagawa lang ito para makakuha ng atensyon, kaya mabilis na hinila ni Tangning si Mo Ting, "Mo Ting, ayaw ko...."

"Huwag mong masyadong iyon. Kailangan ng proteksyon ng iyong mga binti sapagkat iyan ang pinakamagandang binti na nakita ko sa modeling stage..."

"Pero..." Hindi pa rin sigurado si Tangning kung sasang - ayon.

"Makinig ka sa akin," itinulak ni Mo Ting si Tangning patungo sa valuer. "Hindi mo ako hinahayaang may gawin para sa iyo. Itatanggi mo pa rin pa sa akin ang karapatan kong ibili ka ng insurance?"

Hindi makatanggi si Tangning. Kahit na maganda ang kanyang mga binti, sa sandaling iyon hindi pa siya ganon ka kilala, kaya naman iniisip niya na ang halaga ng kanyang mga binti ay hindi ganoon kataas. Dahil sa pag - iisip niyang ito, hindi na tumanggi si Tangning at hinayaan na niyang gawin ng valuer ang kanyang trabaho.

Gayunpaman... Bago pa man magsalita ang valuer ng kanyang assessment, agad na sinabi ni Mo Ting, "Kahit ano pa man ang kalabasan ng final estimated value, gusto ko na dagdagan ng 10 beses ang halaga ng insurance."

Kung iyan ang kaso…

... kung gayon ito ay magiging higit sa 100 milyong dolyar!

Tahimik na nakatayo sa isang tabi, nabigla si Lin Wei at Long Jie sa kanilang mga nasaksihan. Ang pinakamahalaga, hindi ito ginawa ni Mo Ting upang makakuha ng atensyon, tinutulungan lamang niya si Tangning na makakuha ng garantiya. Ang final benefactor ng insurance na ito ay si Tangning; simula ngayon, ano man ang mangyari sa kanyang mga binti, siya ay sakop ng insurance.

Talagang pinalayaw ni Mo Ting si Tangning!

Si Tangning ay tahimik lamang sa buong panahon, napakaraming ideya ang tumatakbo sa kanyang isipan. Gayunpaman, inilagay ni Mo Ting ang kanyang braso sa kanyang balikat at sinabi, "Ang kumplikadong industriyang ito ay magulo at hindi ligtas; Hindi ko magagarantiya na 10 o 20 taon mula ngayon, ang Hai Rui ay magiging matagumpay pa rin. Kaya nga, gusto kong gawin ang lahat ng magagawa ko upang bigyan ka ng kapayapaan ng isip. Gusto ko na ang daan na tutunguhin mo sa mga susunod na panahon ay protektado."

"Kung gayon, bakit hindi ka bumili ng isa para sa iyong sarili?" May luhang dahan – dahang pumuslit papalabas sa mga mata ni Tangning.

Tumagilid si Mo Ting at tumawa ng marahan sa tenga ni Tangning, "Dahil wala akong magagandang binti na katulad mo…"

Sa sandaling iyon, sa ilalim ng magagandang ilaw ng silid, tanging si Mo Ting lang ang nasa mga mata ni Tangning – ang Mo Ting na maraming ginawa para sa kanya na walang inaasahang kapalit. Noong una'y pinakasalan niya ito ng may motibo, sa halip ay ibinigay nito sa kanya ang paniniwala na buong puso na minamahal siya nito.

"Dahil sa ginawa mo, alam mo ba kung gaano karaming mga pangako ang ginagawa ko sa sarili ko? "

"Huh?"

"Ipinangako ko sa aking sarili na hinding hindi ko iiwan ang lalaking nasa harap ko ngayon, maliban kung mamatay ako," seryosong tugon ni Tangning.

Si Mo Ting ay tumawa sa kanyang karaniwang kaakit – akit na tindig. Hangga't ito ay isang bagay na natagpuan niya na may halaga, handa siyang isuko ang lahat na walang pinagsisihan – si Tangning ang unang tao na nagparamdam sa kanya na kailangan niyang gawin ang lahat para dito…

Ganyan ang buhay: may isang tao na inapakan ang kanyang puso, habang ang isa naman ay tumarato sa kanya na parang isang kayamanan. Iyon ang dahilan kung bakit walang sinuman ang dapat masiraan ng loob sa isang walang hiya; hangga't ang isang tao ay matiyaga, palaging may isang tao na mas mabuti na handang ibigay ang init na hinihiling niya.

"Si Tangning ay mahalaga na ngayon…" mahinang bulong ni Long Jie kay Lin Wei.

"Siya ay naka - insured ng higit sa 100 milyong dolyar … sapat na iyon para mabili ang Tianyi."

Hindi mo alam kung paano ako natutukso na pasalamatan si Han Yufan – ang walang hiya, para sa pagpapalaya niya kay Tangning sa pagpapakasal sa kanya," kinindatan ni Long Jie si Lin Wei. "Gusto kong makita siya na yakapin ang walang hiyang B-grade model na iyon at umalis sa aming paningin hangga't maaari …"

Hindi kailanman naisip ni Han Yufan, habang ginagamit niya ang lahat ng laman ng utak niya upang mag-isip ng mga paraan upang labanan si Tangning, may isang taong gustong mamuhunan ng 100 milyong dolyar para sa kanyang insurance. "

Sa katunayan, habang papalapit na ang shooting ng Secret Magazine, walang katapusang nakikipag – ugnayan si Han Yufan sa mga Chinese media – sinusubukan niya na mabigyan si Mo Yurou hangga't maaari ng maraming exposure. Naglabas siya ang mga pahayag tungkol sa pagiging mas mahusay ni Mo Yurou at ganap na pagningning nito, kung saan lalong namayagpag ang kanyang pangalan. Kung ikukumpara ito kay Tangning na naglabas din ng pahayag, nababanggit lamang ito kung saan – saan at sa tuwing siya ay nababanggit, ito ay palaging ilang mga linya lamang sa gitna ng mga balita tungkol kay Mo Yurou.

Nababahala ang mga tagahanga ni Tangning. Ang mga miyembro ng Official Fan Club ay nakipag – ugnayan kay Lin Wei ng maraming beses upang itanong kung ano ang kalagayan ni Tangning, ngunit laging kumukumpas si Tangning na manatili siyang tahimik.

Naiintindihan ito ni Lin Wei. Sa ibang bansa, ang Secret Magazine ay isa lamang third-class publication, hindi na kailangang gumawa ng ganoong kaguluhan para dito – magmumukha lang nito si Tangning na short-sighted at mababaw.

Kaya, sumagot lang si Lin Wei ng 4 na salita: Have faith in Tangning.

Dahil sa 4 na salitang ito, ang mga tagahanga ni Tangning ay nakadama ng kaginhawahan. Sa paghusga kung paano ni Tangning napangasiwaan ni Tangning ang kanyang sarili dati, alam nila na hindi nito gusto na kumuha ng atensyon; ano man ang mangyari, mabuti man o masama, siya ay malinaw tungkol sa kung ano ang gusto niya at palaging may plano.

"President Han, sa ating bansa, ang suporta para Mo Yurou ay mas lumaki pa…" sabi ng assistant ni Mo Yurou habang tinitingnan nito ang mga comments online.

"At paano naman ang mga reaksyon para kay Tangning?" pagtatanong ni Han Yufan.

"Salamat sa lahat ng PR ni Ruoxue Jie, matagumpay nating nagamit si Tangning para maiangat ang katanyagan ni Mo Yurou at pagkatapos ay ginamit namin ang mga pangalan ng mga nangungunang celebrities upang mapataas ang halaga ni Yurou, kaya ang mas bagong mga pahayag na inilabas namin ay hindi na nangangailangan ng pangalan ni Tangning. Bagaman nasaktan namin ang mga tagahanga ng iba, ngunit ang porsyento na mababanggit ang pangalan ni Tangning ay maliit lamang kung ikukumpara kay Mo Yurou."

"Ito ang resulta ng mga pahayag …" pinagmasdan ni Han Rouxue ang daan na inilalatag niya para kay Mo Yurou at ngumisi, "Sa ngayon, nasa palad na ng ating mga kamay ang interes at katanyagan, gayunpaman… upang tunay na manalo laban kay Tangning, kailangan nating maghintay sa magiging resulta ng Secret photo shoot. Kung magiging maganda ang performance ni Yurou tulad ng resulta natin sa ngayon, pagnakabalik na tayo sa bansa, mawawala na ang panagalang Tangning sa industriya…"

"I am confident," nangako si Mo Yurou sa ilang tao na nasa harap niya, "Napanood ko na ang ilan sa mga shows ni Tangning. Hindi ko naramdaman na mas malala pa ako sa kanya. At saka, huwag nating kalimutan, siya ay dati kong kahalili."

Syempre, ito ay dahil walang ideya si Mo Yurou, upang gayahin siya, kinakailangan ni Tangning ibaba ang kanyang mga pamantayan.

"Tungkol sa photographer, pagaganahin ko ang aking PR magic. Para sa front cover shoot, kakausapin ko sila na ikaw ang gawing pangunahing pokus. Yurou, siguraduhin mo na mapag – iisipan mong mabuti kung paano mo ipapakita ng maganda ang temang Oriental Trend."

"Maingat kong pag – iisipan ang tungkol dito."

"Ito ang iyong unang pagkakataon na magsasama kayo ni Tangning sa iisang entablado. Dapat mong malaman, hindi lamang ang reputasyon mo ang nakasalalay dito. Kung mabigo ka, ang buong Tianyi ay mapapahiya kasama mo. Tungkol naman kay Han Yufan, magkakaroon na ng pag – aalinlangan ang mga tao sa kanyang mga desisyon, kaya ang labanan na ito, dapat kang manalo," Sinabi ni Han Ruoxue kay Mo Yurou sa may seryosong tono ng pananalita.

"Pagkatapos ng kahihiyan ng kahapon, sisiguraduhin kong makakapaghiganti ako," Sinabi ni Mo Yurou na may determinasyon. Dahil sa pagtaas ng kanyang sa popularidad, siya ngayon ay puno ng kumpiyansa.

Bukas, siya at si Tangning ay magkakaroon ng labananan ng buhay at kamatayan!

Siguiente capítulo