Bumaba mula sa entablado si Lu Boyuan.
Hindi masasabing masama ang pinakita niya pero hindi rin ito maganda. Ang ginawa lang niya ay talunin si Fang Ruin a may 53% na natitira sa kanyang health. Walang pinagkaiba ang laban niya kay Tang Rou sa agarang pagkamatay.
Nangunguna pa rin naman ang Samsara. Hindi naman galit sa kanya ang mga taga-hanga ng Samsara. May mga palakpakan pa rin at nagpapalakas ng loob para sa mga ginawa niya.
Hindi nito mapagtatakpan ang katotohanan na wala sa tuktok ang kondisyon ni Lu Boyuan.
Masama ang pagkakalaro niya sa laban kanina. Sa laro ngayong araw, puno siya ng paninindigan pero mas masama ang kanyang pinakita sa inaasahan niya.
Anong nangyayari?
Pakiramdam ni Lu Boyuan nawawala siya sa tamang landas. Parang hindi niya ito maintindihan.
Naglakad naman siya pabalik sa kanyang upuan ng matahimik. Hindi siya makangiti sa harap ng kanyang mga kasamahan na pinapagaan ang loob niya.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com