Nakahanay sa dark element ang pinsalang nailalapat ng Shadow Flames, at sinusuportahan ito ng Fire Element. Gayunpaman, hindi pagtutuonan ng kahit na sino mang manlalaro ang pinsalang nailalapat ng isang Warlock sa kanilang mga kalaban.
Ito ay dahil sa naging kilala naman kasi ang mga Warlock dahil sa kakaibang kakayahan nila para pamahalaan ang isang labanan dahil sa kanilang mga malalakas, at maraming crowd control debuffs.
Ang katotohanang ito ang naging dahilan kung bakit masyadong masakit sa ulo na kalabanin ang mga Warlock. Hindi naiiba ang Shadow Flames. Bukod sa pinsalang nailalapat nito sa health ay naglalapat rin ito ng Flames Effect. Sa loob ng anim na segundo.
Habang gumagana ang Flames Effect na ito ay palagiang mapipinsala ang nalapatang manlalaro sa bawat paglipas ng dalawang segundo. Hindi lang 'yan, naaapektuhan rin ng Flames Effect na ito ang paghahanda ng isang manlalaro sa kaniyang mga skill.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com