Natalo ako!
Sa mga sandaling tumumba si Flying Sword ay tumumba sa kaniyang upuan si Liu Xiaobie habang natutulala.
Naging isang pagkakataon na nasamantala ng kaniyang kalaban ang ginawa niyang pagpapabagal sa bilis ng kaniyang mga kamay. Sa totoo lang ay matagal-tagal rin siyang nag-aral para matuklasan ang "tamang" pamamaraang ito, pero ngayon. Binasag ito ng kaniyang kalaban.
Talaga bang hindi ang pamamaraang ito ang tamang pamamaraan para maremedyuhan ang problema ng mga mabibilis kong kamay?
Dala-dala ang kaniyang gulat ay umalis siya sa silid na kung saan siya naglaro. Bumaba na siya sa entablado at bumalik siya sa upuan na para sa mga manlalaro ng Team Tiny Herb.
"Naging maganda ang paglalaro mo." Sinubukan ng kaniyang kasamahan na himukin ang kaniyang loob, pero isang mahinang ngiti lamang ang nagawang ilabas ni Liu Xiaobie. Tinapik nila ang balikat ni Liu Xiaobie, pero hindi sila masyadong nag-alala tungkol sa kaniya.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com