webnovel

Isang Hamog ng Pag-aalinlangan at Hinala

Editor: LiberReverieGroup

Habang iniisip ito ni Blue River ay mas nagiging sigurado siya na ganoon nga ang mga nangyayari.

Dahil dito ay binuksan ni Blue River ang kaniyang friends list para hanapin ang mga ibang Guild Leader. Pero nakita niyang walang laman ang kaniyang friends list.

Saglit siyang natulala, pero dali-dali rin namang namalayan na open account pala ang gamit niya, hindi si Blue River na pangunahin niyang account. Papaanong mapupunta sa friends list ng account na ito ang mga taong iyon?

Dahil dito ay wala siyang nagawa kundi ang tawagan na lamang si Changing Spring at ipaalam sa kaniya ang kung ano ang mga nahinuha niya sa sitwasyon.

"Teka lang!" Isang simpleng sagot ang ibinigay ni Changing Spring sa mga sandaling naipadala niya ang mensahe.

Hindi nagtagal ay dinagdagan ni Changing Spring ang kaniyang mensahe. Pero ang idinagdag lang niya ay isang letrang: "Q!"

Capítulo Bloqueado

Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com

Siguiente capítulo