webnovel

Nagpapaka Galante

Editor: LiberReverieGroup

"Shang gongzi[1], naparito ka. Pasok kayo!"

Bago pumasok sa tavern ang dalawang lalaki at isang beast, sinalubong sila ng isang lalaking nakangiti.

Ang manager ng Hongtian Pavilion, si Wu Chou!

"Bigyan mo kami ng tahimik na pwesto. Gusto namin ni Cao Xiong laoshi na uminom!" ang sabi ni Shang Bin.

"Tara dito!"

Nagmadali si Wu Chou na dalhin sila sa kanilang upuan.

"Shang shaoye, tuwing pupunta ako dito, yung Wu Chou na yun lagi akong binabale wala at sinusungitan. Pero ngayon, bakit hindi niya…" Hindi mapigilan ni Cao Xiong na magtanong.

Maaaring isang simpleng tavern lang ang Hongtian Pavilion, ngunit hindi biro ang mga nagpapatakbo dito. Kung hindi, imposibleng makapag bukas sila ng ganitong klaseng negosyo sa loob ng Hongtian Academy!

Dati, noong nagpunta siya dito para kumain, hindi siya pinapansin ni manager Wu. Ngunit, ngayon, nakatungo siya at punong puno siya ng respeto. Nagduda si Cao Xiong kung totoo ba lahat ng ito dahil sa pagkakaiba sa inaasal ni Wu Chou.

"Narinig mo naman na siguro na mayroong Elder Hong Hao sa akademya dati!" Ang sabi ni Shang Bin.

Tumango si Cao Xiong.

Ang Hongtian Academy ay binuo ni Hongtian. Nang mamatay siya, pinanatili ng kanyang angkan ang kanyang mga ipinamana. Dahil dito, ang mga elder na may apelyidong 'Hong' ay may mas mataas na katungkulan sa akademya.

Narinig na niya dati ang tungkol sa Elder Hong Hao na 'to. Isa siyang napaka makapangyarihang tao at minsan nang napili para maging principal ng akademya. Subalit, pagkatapos nito, sa hindi malamang dahilan, bigla siyang nagbitiw sa kanyang posisyon bilang elder at wala nang kahit ano pang balita tungkol sa kanya mula noon.

"Pagkatapos niyang magbitiw sa pagiging elder, nagbukas siya ng isang tavern. Dati silang matalik na magkaibigan ng lolo ko, kaya sinasalubong ako ni manager Wu ng may respeto sa tuwing pupunta ako dito!" Ang masayang sinabi ni Shang Bin.

"Yun pala ang dahilan!" Tumango si Cao Xiong.

[Kaya naman pala lumaki ng ganito ang Hongtian Pavilion na 'to, si Elder Hong Hao pala ang may-ari nito.

Para salubungin ka ng managsr ng isang malaking tavern na gaya nito, talagang napakasarap nun sa pakiramdam.]

"Un?"

Habang nagpapakasaya siya sa serbisyong hindi pa niya naranasan dati, napahinto si Cao Xiong at unti-unting nagdilim ang kanyang mukha.

"Anong nangyari?" Nagtatakang tumingin sa kanya si Shang Bin.

"Si Zhang Xuan yun, di ba? Bakit siya nandito?" Itinuro ni Cao Xiong ang mesa malapit sa may bintana.

"Si Zhang Xuan?" Napalingon din si Shang Bin. Nang makita niya ang binata, nakita niya kung sino ang taong kasama ni Zhang Xuan. Tumaas ang mga kilay niya dahil sa sobrang galit. "Bakit kasama niya ang basurang yun? Ilang beses ko siyang niyaya, pero tinatanggihan niya lang ako. Tapos kakain lang pala siya kasama ang lalaking yun! Bwisit! Bwisit!"

Bilang apo ng isang elder, isang high-level na teacher sa akademya at isang Fighter 5-dan Dingli realm expert, ilang beses niyang niyayang lumabas si Shen Bi Ru, ngunit kahit minsan ay di siya pumayag. Noong una, inisip ni Shang Bin na hindi sasama sa kahit sino si Shen Bi Ru. Hindi niya inakalang makikita niya si Shen Bi Ru na kasama ang tinaguriang basura sa akademya!

Halos mahimatay siya dahil sa sobrang galit.

Kinalabog niya ang kanyang mesa at tumayo, naghanda siyang sugurin si Shen Bi Ru para tanungin siya. Subalit, bigla niyang naalala ang pagiging mainitin ng ulo ni Shen Bi Ru at agad siyang napabalik sa kanyang upuan.

Ayaw na ayaw niya sa mga taong nanggugulo sa kanya. Kung susugod si Shang Bin para tanungin siya, kapag nagalit si Shen Bi Ru dahil sa inaasal niya, siguradong wala na siyang pag-asa sa panliligaw niya kay Shen Bi Ru.

"Shang shaoye, huwag kang magalit. May naisip akong plano para ilantad ang tunay na kulay ni Zhang Xuan sa harap mismo ni Shen laoshi! Higit pa dito, mapapalitaw pa nito ang dakilang aura mo Shang shaoye!" Isang eksperto sa pakikihalubilo sa tao si Cao Xiong, kaya agad niyang nababasa ang kasalukuyang sitwasyon. Sumulpot ang isang ideya sa kanyang isipan at ngumiti siya habang sinusulsulan niya si Shang Bin na gawin ito.

"Anong plano?"

"Siguradong nandito si Zhang Xuan para utuin si Shen laoshi sa pamamagitan ng panlilibre niya sa kanya! Ngunit, bilang isang low-level na teacher, magkano lang ba ang sinasahod niya? Kailangan lang natin na mangialam ng konti para ipahiya siya sa harap ni Shen Bi Ru! Pagkatapos, darating si Shang shaoye para iligtas si Shen laoshi mula sa nakakahiyang sitwasyon na yun… Siguradong gaganda ang tingin ni Shen laoshi sayo Shang shaoye. Posible ring magsimula rin siyang magkagusto sayo dahil sa pagliligtas mo sa kanya…" Ibinunyag ni Cao Xiong ang plano niya.

"Magaling, gawin na natin yun!" Nagningning ang mga mata ni Shang Bin at tumango siya.

Hindi lang niya basta maipapahiya ang kaaway niya, magagawa din niyang mapataas ang posisyon niya sa puso ni Shen Bi Ru. Nspakaganda talaga ng planong ito!

[Mukhang hindi lang sa pagtuturo magaling itong si Cao Xiong, magaling din siya sa pakikitungo sa mga tao. Mukhang dapat siyang sanaying maigi sa hinaharap…]

...…

Walang kaalam-alam si Zhang Xuan tungkol sa plano nila Shang Bin laban sa kanya. Tumango si Zhang Xuan bilang pagpuri sa mga pagkain, habang kumakain siya.

Hindi man ganun kagaling ang mga technique sa pagluluto sa mundong ito hindi tulad ng sa Earth, ngunit sagana naman sa spirit energy ang mundong ito, bukod pa dito sariwa at masarap ang mga sangkap na ginamit sa mga lutuin, dahilan para makapagbigay ito ng kakaiba at masayang karanasan sa pagkain.

Di kalaunan, karamihan sa mga pagkain ay naubos na at karamihan dito ay si Zhang Xuan ang umubos. Kaunti lamang ang kinain ni Shen Bi Ru.

Nang makita niyang pagkain lang ang gusto ni Zhang Xuan, at hindi man lang siya pinapansin, sumimangot sa galit si Shen Bi Ru.

Noong una, inisip niyang nagkukunwari lang si Zhang Xuan para makuha ang atensyon niya. Ngayon lang naging malinaw sa kanya na hindi siya itinuturing na mahalagang bagay ni Zhang Xuan...

Kahit na ang mga genius teacher o star teacher sa akademya, ay pinagkakaguluhan siya at ginagawan siya ng pabor. Ngunit, ang isang 'to, ang pinaka walang kwentang teacher sa buong akademya, ay tinatrato siya na parang wala lang siya, dahilan para magkiskisan ang mga ngipin niya sa galit. Kung hindi dahil sa kanyang etiketa, siguradong nasipa na niya si Zhang Xuan.

Habang naiisip niya ang tungkol dito, lalo lamang siyang nagagalit. Alam niya na kapag nakita pa niyang patuloy sa pagkain si Zhang Xuan, siguradong mamamatay siya sa sobrang galit. Tumalikod siya at tinawag ang waiter, "Bill!"

"1280 pirasong ginto lahat-lahat!"

Lumapit sa kanila ang isang waiter.

"1280" Napahinto si Shen Bi Ru dahil sa pagkagulat. "Bakit ganito 'to kamahal?"

Kahit na isa siyang high-level teacher, 1000 pirasong ginto lang ang kinikita niya kada buwan. Tapos, mauubos lang yung sahod niya sa isang kainan lang?

Paanong naging ganito kamahal ang bill nila?

Kwinenta niya itong maigi habang umoorder siya ng pagkain, at hindi pa dapat aabot sa 100 ang bill nila. Paanong tumaas ng higit pa sa 1000 ang bill nila ng ganun-ganun na lang?

"Pasensya na, pero ang bote ng wine na ito ay nagkakahalaga ng 1200 piraso ng ginto!" Ang paliwanag ng waiter.

Kanina, habang kumakain sila pareho, lumapit sa kanila ang isang waiter para mag-alok ng wine. Naisip ni Shen Bi Ru na ayos lang na uminom sila ng kaunting alak, kaya tumango siya at tinanggap ang alok ng waiter. Paano naman niya malalaman na ganoon pala kamahal ang wine na ibinigay sa kanila!

"Hindi kami nasabihan kung magkano yung wine na ibinigay niyo…"

Namutla si Shen Bi Ru sa mga oras na ito.

Kahit na gaano pa siya ka-hangal, kitang kita na naoloko siya.

"Kung hung hindi ka talaga interesado sa wine, dapat mas nagtanong ka bago ka kumuha ng wine. Dahil hindi ka nagtanong, akala namin alam mo na kung magkano ang wine, kaya hindi na kami nagsalita pa!" Masamang tumingin sa kanya ang waiter.

"Hmph!" Nang makita niya ang inasal ng waiter, alam ni Shen Bi Ru na walang mangyayari kung makikipagtalo pa siya. Sa halip, maaaring makasira sa kanyang reputasyon kung mag-eeskandalo siya dito. Kaya naman, inilabas na lang niya ang kanyang wallet at naghanda para magbayad. Pagkatapos, biglang namutla ang kanyang mukha at kitang kita ang pagka-pahiya sa kanyang itsura, "Kulang ang dala kong pera ngayon. Ilista mo na lang muna sa pangalan ko, babayaran ko kayo kapag nakakuha na ako ng sapat na pambayad…"

Ngayong araw, balak lang talaga niyang magbasa sa Compendium Pavilion, kaya kaunti lang ang dala niyang pera. Pagkatapos nito, nakita niya si Zhang Xuan at kinonsulta siya sa ilang bagay. Dahil sa sobrang pagkagulat niya, nakalimutan niya kung magkano lang ang dala niya, at ngayon lamang niya ito naalala. Mayroon lamang siyang dalang halagang nasa isang daang pirasong ginto, kulang na kulang pa sa kinakailangang higit isang libo na pambayad.

Nanlibre siya ng pagkain, pero wala siyang pambayad sa mga inorder nila…

Uminit at namula ang kanyang mukha sa sobrang hiya, at hiniling niya na sana kainin na lang siya ng lupa.

"Huwag kayong oorder ng pagkain na di niyo naman kayang bayaran! Dahil inorder niyo yan, magbayad kayo. Huwag kang mangarap na makakakain kayo ng libre dito!" Ang sabi ng waiter.

"Ikaw…"

Namula sa galit ang mukha ni Shen Bi Ru.

"Anong nangyari?"

Sa mga oras na 'to, umalingawngaw ang isang malalim na boses. Si Shang Bin, kasama si Cao Xiong at ang Sky Shattering Lion, ay taas noong naglakad papalapit sa kanila.

Nakaputi siyang damit, nakalagay ang mga kamay niya sa kanyang likod at taas noo siyang naglakad, kitang kita sa kanya ang isang mapagmataas na aura. Karaniwan, sa kanyang reputasyon at panlabas na anyo, kasama ang Sky Shattering Lion na nakabuntot sa kanya, magmumukha sana siyang elegante at makisig na ginoo. Ngunit, sa mga oras na ito, magang maga ang mukha niya at puro pasa ang paligid ng kanyang mga mata. Kung titingnan sa malayo, mukha siyang katawa-tawa.

Ngunit, tila hindi niya ito napapansin at sa halip, nagmamalaki pa siyang naglakad. Naglakad siya palapit at napatingin siya sa katawan ni Shen Bi Ru. Nagkunwari siyang nagulat, at sinabing, "Shen laoshi, pagkakataon nga naman! Nandito ka rin pala?"

Lumingon siya sa waiter at nagtanong, "Anong nangyayari dito? Hindi magandang gumawa ng gulo dito!"

"Ah, si Shang shaoye pala!" Napatalon sa takot ang waiter. Nawala ang tapang na ipinakita niya kanina at sa halip, naging mahinahon siya at nagpaliwanag, "Ganito kasi yun, kumain sila pero wala silang perang pambayad sa mga inorder nila…"

"Wala pera para bayaran ang mga inorder nila?"

Dismayadong umiling si Shang Bin. Tumingin siya kay Zhang Xuan at sinabing, "Zhang laoshi, hindi naman sa pinagsasabihan kita, pero kung wala ka namang pera, huwag ka nang magpaka galante at manlibre ng pagkain dito. Tingnan mo, ipinahiya mo lang ang sarili mo! Bilang pinaka walang kwentang teacher sa akademya, sanay ka na siguro, pero para idamay mo pa sa kahihiyan si Shen laoshi, hindi ba't parang sumusobra ka na!"

"..."

Nang makita niyang nagyayabang si Shang Bin, huminto sandali si Zhang Xuan bago siya lumingon kay Shen Bi Ru, "Hayyy, ikaw ata ang kinakausap niya. Kung kulang ang pera mo, huwag ka nang magpaka galante. Tingnan mo, ipinahiya mo lang ang sarili mo…"

"Ikaw…"

Nang marinig niya ang mga sinabi ni Shang Bin, nagalit si Shen Bi Ru. Ngunit, nang ulitin ito ni Zhang Xuan, halos sumabog siya sa sobrang galit. Inangat niya ang kanyang ulo at tumingin ng masama kay Shang Bin, na sinusubukang magpasikat sa kanya. Luoluo, nagkiskisan ang mga ngipin niya at sumigaw siya, "Shang Bin, sabihin mo nga uli kung sino yung nagpapaka galante?"

[1] Gongzi -> Ginoo, kadalasang ginagamit sa pagtawag sa isang binata.

Siguiente capítulo