webnovel

Muling Kumatok sa Pintuan ng Kamatayan (1)

Editor: LiberReverieGroup

Umiinom ang City Lord ng bagong gawang tsaa na habang ang kaniyang asawa ay nakaluhod

sa kaniyang paanan at minamasahe ang kaniyang binti, mukhang nagpapahinga at naglilibang.

Ngunit makalipas ang ilang sandali ay isang tagasilbi ang nagmamadaling tumakbo papasok sa

Manor ng City Lord, putlang-putla ang mukha nang malakas na mapaluhod ito sa harapan ng

City Lord.

"Ano bang nangyari sa'yo at natataranta ka. Nasaan ang iyong pag-uugali?" Galit na reklamo

ng City Lord na nakasimangot ang mukha habang itinataas ang kaniyang tasa ng tsaa.

"Aking Lord! May nangyaring kaguluhan!!" Malakas na bulalas ng tagasilbi.

"Kaguluhan? Ang Clear Breeze City ay laging payapa. Anong nangyari?" mahinahong saad ng

City Lord.

"Si Liu Er… Si Liu Er ay hindi pa nagbabalik…"

Napataaas ang kilay ng City Lord. Si Liu Er ay inupahang sanggano na nanatili sa kaniyang tabi

sa loob ng asyenda. sa ilalim ng kautusan ng kagalang-galang, ang City ay laging masipag

upang magpakita ng imahe ng kabutihan para sa kaniyang sarili at lahat ng lihim na gawain

niya ay iniwan niya sa kamay ni Liu Er upang asikasuhin. Inutusan niya si Liu Er na magtungo sa

hilaga ng siyudad ngayong araw upang gumawa ng gulo sa mga kabahayan doon.

"Hindi pa siya nagbabalik? Ang tamad na si Liu Er ay nagsisimula ng umurong sa kaniyang mga

gawain." Saad ng City Lord na hindi nalulugod ang boses.

Subalit, sumagot ang tagasilbi: "Hindi ganoon… Ang inyong lingkod ay nagpadala ng tauhan

patungo sa hilaga ng siyudad at narinig niya na si Liu Er at ang mga tauhan nito ay pinaslang

doon!"

Isang pagkabasag ang narinig. Ang tasa na nasa kamay ng City Lord ay kaniyang nabitawan at

nahulog sa lupa, nabasag sa ilang piraso. Nanlaki ang kaniyang mata habang nakatingin sa

tagasilbi, bakas sa mata na hindi ito makapaniwala.

"Anong sinabi mo? Sino ang pumaslang kay Liu Er!?"

"Hindi alam ng inyong lingkod, ang tanging narinig ko na ang grupo na dinala ni Liu Er sa hilaga

ng siyudad ay pinaslang lahat ngunit walang nakakaalam kung sino ang may gawa."

"Walang silbi!" Mabilis na napatayo ang City Lord. Tinulungan siya ni Liu Er sa ilang mga

gawain at bagaman ito'y isang tao na may pagkahambog, ay matalino ito at alam na alam

niyang gamitin ang panunukso, hindi kailanman nakagawa ng malaking kamalian. Hindi niya

kailanman naisip na ang pag-uutos niya kay Liu Er na gawing mahirap ang buhay ng mga takas

na iyon sa hilaga ng siyudad at palayasin ang mga parasito sa lugar na iyon, ay mapapaslang si

Liu Er ng mga tao nang walang dahilan!

Ang mas nakakatakot pa ay hindi nalaman ng kaniyang mga tauhan kung sino ang salarin na

responsable doon!

"Ano ang eksaktong nangyari!? kayong lahat ba'y nabubuhay ng walang kabuluhan? Higit

sampung buhay ang nawala! Paano nangyari na nakuha ang sampung buhay na iyon na wala

man lang ni isa sa inyo ang nakaalam tungkol doon!?" Ang kulay sa mukha ng City Lord ay

hindi na maganda. Naisip niya na ang problema sa hilaga ng siyudad ay madaling maaayos at

inutusan pa niya ang tindahan na maglabas ng balita tungkol sa mga bakanteng yunit ng

kabayahan na ibebenta.

Ngunit wala pa ang pang kalahating araw na nagdaan ay biglang nagbago lahat ng pangyayari

ng hindi niya inaasahan!

Lubhang napagalitan ang tagasilbi at sa malungkot na boses ay sumagot ito: "Nagpadala na

ako ng mga tao upang pasukin ang lugar at subukang alamin ang katotohanan sa likod ng

pagkamatay ni Liu Er mula sa mga takas na naroon, ngunit walang nakakaalam kung anong

nangyari sa mga taong iyon! Sa simula ay tila silang lahat ay madaling manipulahin ngunit

nang banggitin ang tungkol sa insidente, bawat isa sa kanila ay umiwas na parang ang bagay

na iyon ay isang salot, hindi nais na magsalita tungkol doon at wala kaming nakuha na kahit

ano mula sa kanila."

"Basura! Mga walang silbi!" Ang magandang kondisyon ng City Lord ay agad naglaho sa hangin

na tila usok. Wala siyang pakialam sa pagkamatay ni Liu Er. Ang kinaiinisan niya ay kung ano

ang nangyayari ngayon sa hilaga ng siyudad. Kung hindi niya magagawa na mapalayas ang

mga takas na iyon sa mga kabahayan sa hilaga ng siyudad, ay siguradong sisisihin siya ng

kagalang-galang.

"Gawin mo na ngayon! Ihanda mo na agad sila para sa akin! Magtipon ka ng hukbo mula sa

mga kawal ng siyudad at sundan ako sa hilaga ng siyudad! Nais kong makita kung sino ang

may lakas ng loob na maging tampalasan dito sa Clear Breeze City!" Galit na sigaw ng City

Lord. Hindi siya maaabala kung iyon ay tungkol sa ibang bagay, ngunit kung madadamay ang

interes ng kagalang-galang, maging siya ay hindi magagawa na sagutin iyon. Sa sandaling iyon,

ay hindi na niya magawang manatili lamang na nakaupo!

Siguiente capítulo