webnovel

Mapanganib na Lugar (1)

Editor: LiberReverieGroup

Isang buwan na silang nasa loob ng Heaven's End Cliff at iyon na ata ang pinakamalalang naranas nila sa tanang buhay nila.

Kumunoy, magandang puno ngunit kumakain ng laman, bulaklak na may masangsang at makamandag na amoy at maging ang mga ahas na naghihintay lang na tuklawin sila…

Sa bawat araw na naroon sila, ang buhay nila ay nasa panganib. Kung saan ultimo isang pagkakamali lang nila sa isang halaman ay maaari nilang ikamatay.

Talaga nga namang nasagad ang kanilang mental at pisikal na kapasidad.

Sa oras na nakakahanap sila ng lugar na kahit paano ay mukhang ligtas naman, sila ay nagpapahinga at bakas sa kanilang mga itsura ang pagal.

"Akala ko mamamatay na ako dito." Saad ni Qiao Chu sabay humiga sa lupa. Wala itong sapat na lakas para igalaw ang kahit isang daliri man lang. At maging ang kaniyang spirit power ay sagad na sagad na. Kahit pa na kung sakaling mayroong isang halimaw ang biglang sumulpot sa kanilang harapan sa mga oras na iyon, hindi na siya gagalaw doon at hahayaan niya na lang na lapain siya.

Bukod sa marungis na rin ang kanilang suot na damit, punit-punit pa ang mga ito. Kung mayroon mang ibang makakakita sa kanila, iisipin ng mga iyon na sila ay mga namamalimos sa daan. Sa kanilang itsura ngayon, kulang na lang ang lata.

Noong una, binibigyang pansin pa nila ang kanilang kalinisan. Ngunit nang lumaon ang tanging nasa isip nila ay ang kanilang kaligtasan.

Para silang nakikipagkarerahan sa oras. Bawat segundo ay mahalaga.

"Sana naman ay mayroong ilog dito nang makapaglublob ako." Saad ni Fei Yan. Ito rin ay kasalukuyang nakahiga sa lupa. Para sa ikagiginhawa ng buhay niya, nakasuot ito ng damit panglalaki at may takip sa mukha. Kung saan ang tunay na kulay nito ay hindi na makita.

"Huwag mong mabanggit-banggit ang salitang ilog! Pinapaalala mo lang sakin ang lintik na lugar na 'yon." Ungol ni Qiao Chu. Mayroon nga silang tinawid na ilog noon. Ang tubig non ay napakalinaw at kalmadong-kalmado. Ilang mga halaman ang nakapalibot doon at napakaganda nga naman nitong tignan.

Subalit akmang idadampi pa lang nila ang kanilang mga kamay doon nang magsimulang bumula ang ilog na para bang pinapakuluan ito.

Isang halimaw na halos kasing laki ni Lord Meh Meh ang lumitaw mula sa ilog. Para iyong higanteng pugita na humabol kila Qiao Chu. Kaya naman kumaripas ng takbo ang grupo. Halos iluwa na nila ang kanilang puso sa labis na takot.

"Naiintindihan ko. Dito, wala ni isang lugar ang ligtas. Lahat ng magagandang bulaklak at matatayog na puno, may kaakibat na panganib. Saan nila nakuha ang mga iyon? Hindi ba sila natatakot?" Tanggap na ni Qiao Chu ang pagkatalo laban sa mga nilalang na iyon. Kahit na bumalik pa sila sa Middle Realm para maghigant sa Twelve Palaces. Isinumpa niya na sarili niyang iiwasan nia ang mga taga-Dark Regions.

Sadyang katakot-takot ang mga ito!

Sa lahat ng nakakatakot na bagay sa lugar na ito, paniguradong ilan lang ang nararanasan nilang ganong klase ng panganib sa tanang buhay nila. Ngunit ang Dark Region ay inipon ang lahat ng iyon at inilagaya sa iisang lugar at dito iyon sa Heaven's End Cliff.

"Magpasalamat ka nalang at buhay pa tayo." Pakikisali naman ni Rong Ruo sa usapan. Maayos-ayos naman ang itsura nito kumpara sa kanilang lahat ngunit ang mukha nito ay maputla. Sa buong paglalakbay nila, hindi na nila mabilang kung ilang elixir na ba ang ipinainom sa kanila ni Jun Wu Xie at kung ilang beses na sila nitog isinalba.n

Bigla tuloy nilang naramdaman na si Jun Wu Xie ay tila isang anghel na pinababa mula sa kalangitan para tulungan sila. Kung wala si Jun Wu Xie, kahit na mayroon sila ng kumpletong mapa, tingin nila ay hindi sila makakapagtagal ng isang buwan sa ilalim ng Heaven's End Cliff.

Higit sa lahat, ang presensiya ni Jun Wu Xie ang nag-uudyok para maisama din ang isang makapangyarihang nilalana na si Jun Wu Yao. Ilang beses din sila nitong tinulungan.

Siguiente capítulo