webnovel

Pag-aayos ng Marka (2)

Editor: LiberReverieGroup

"Narito ba ang dalawang lalaking iyon?" Tanong ni Jun Wu Yao sa simpleng boses.

Ang tanong na iyon ni Jun Wu Yao ay nagpatalon sa puso ng lalaking nakaberde, bumara sa

kaniyang lalamunan, at ang buong katawan niya ay biglang pinagpawisan ng malamig.

[Ang dalawang lalaking iyon?]

[Anong dalawang lalaki!?]

Ang tanong na iyon ay naging dahilan upang ang lalaking nakaberde ay biglang maalala ang

panahon na siya at si Elder Hui ay inatake si Ye Sha!

Dahan-dahang itinaas ni Ye Sha ang kaniyang ulo at ang nakakakilabot niyang tingin ay natuon

sa lalaking nakaberde at kay Elder Hui bago siya nagsalita: "Narito sila." Pagsabi niyon, ay

itinaas niya ang kaniyang kamay at itinuro ang lalaking nakaberde at si Elder Hui.

Sa nakaturong daliri ni Ye Sha sa kanila, iyon ay nagdulot sa puso ng lalaking nakaberde at ni

Elder Hui na malaglag sa ilalaim ng bangin. Kusang lumipat ang kanilang mga tingin kay Jun

Wu Yao at nakita nila ang masamang ngiti ni Jun Wu Yao, isang ngiti na nagdala ng kilabot sa

kanilang mga buto.

"Ito'y isang hindi pagkakaintindihan lamang! Pakiusap pakinggan mo kami at hayaan mo

kaming magpaliwanag!" Biglang nabalot ng takot, ang lalaking nakaberde ay nagmamadaling

magsalita. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, ang makita lamang ang sulyap ni Jun Wu

Yao ay napagtanto niya na siya ay nasa kapahamakan. Takot na hindi niya pa naramdaman

noon ang kumalat sa bawat sulok ng kaniyang katawan at ang boses niya ay bahagyang

nanginig.

"Oh?" Napataas ang kilay ni Jun Wu Yao, ang masamng ngiti ay hindi napalis maski saglit sa

mukha nito, malinaw na hindi ito nagmamadali sa kaniyang kilos.

"Kami… Kami ay nais lamang na dakpin ang bata na nagtataglay ng plant spirit ng araw na iyon

at wala kaming intensyon na gawing mahirap ang mga bagay-bagay para sa aming kapatid na

narito, at hindi kailanman ninais na saktan siya! Nang araw na iyon… Nang araw na iyon,

bagama't napinsala siya ng aming Elder, ay hindi namin hinangad na kunin ang kaniyang buhay

at sa halip ay nais namin siyang pigilan sa paghadlang sa aming misyon…" Nauutal at

nanginginig ang boses ng lalaking nakaberde, wala na ang kayabangan nito habang kausap

kanina ang Palace of All Life.

Nakangiting tumingin lamang sa kaniya si Jun Wu Yao.

Hindi maunawaan ng lalaking nakaberde kung ano ang iniisip ni Jun Wu Yao at hindi na siya

nangahas na magsalita pa.

Ang kulay sa mukha ni Elder Hui ay naging hindi maganda.

Nanatiling tahimik si Jun Wu Yao ng ilang sandali at biglang nagsalita habang tumatawa: "Ayon

sa sinabi mo sa akin, kayong dalawa ay intensyon lamang na paslangin ang munting bata na

nagtataglay ng plant spirit?"

Akala ng lalaking nakaberde ay nakahanap na siya ng butas upang mabaliktad ang buong

pangyayari at agad siyang tumango.

"Tama, ang puntirya namin ay ang makuha ang plant spirit at hindi namin gusto na manakit ng

ino sente. Ang Flame Demons Palace ay hindi kami hahayaan na padalus-dalos kumilos ngunit

ang kapatid natin dito ay pinili na pasabugin ang sarili ng araw na iyon…" Sa sandaling iyon,

ang lalaking nakaberde ay balisa na sa paglutas doon at nais lang niya ay hindi masangkot sa

nakakatakot na lalaking ito sa kanilang harapan.

Nang marinig ang paliwanag ng lalaking nakaberde, ang mga tao mula sa Palace of All Life ay

nang-uuyam na napangisi.

"Ang Flame Demons Palace ay hindi kayo pinapayagan na kumilos ng padalus-dalos? Iyan na

yata ang pinakamalaking kalokohan na narinig ko! Ang Flame Demons Palace sa simula't sapul

ay naging arogante sa kanilang mga gawain at iyan ay isang katotohanan na alam sa buong

Middle Realm. Bakit pinili ng kapatid dito na pasabugin ang sarili? Kung hindi niyo siya

pinuwersa sa isang sulok na walang paraan upang makaalis, bakit niya pipiliin iyon!" Ang lalaki

mula sa Palace of All Life ay sinabi iyon na ang boses ay may bahid ng poot. Bagama't siya ay

hindi kayang pantayan ang mga tao mula sa Flame Demons Palace doon, ngunit hindi siya

isang mangmang. Ang mahiwagang lalaki na hindi alam kung saan nagmula ay malinaw na

mayroong alitan sa dalawang lalaki mula sa Flame Demons Palace at natural na hindi niya

palalampasin ang ganitong pagkakataon na silaban pa lalo ang apoy.

Kung magagawa niya na galitin ang lalaki upang iyon ay magwala at wasakin ang mga tao mula

sa Flame Demons Palace, ay masasagip sila sa kanilang krisis.

Ang lalaking nakaberde ay sinubukan ang lahat upang payapain ang nakakatakot na lalaki at

ng makita niya ang lalaki mula sa Palace of All Life na mas lalong ginugulo iyon sa

pamamagitan ng mga nakakalasong salita, ay agad niyang naramdaman na gumapang ang

galit sa kaniyang ulo. Agad siyang sumigaw: "Kung anu-ano ang sinasabi mo! Ang Flame

Demons Palace ay naging maingat na manatili sa hangganan at hindi makikipag-away ng

walang kapararakan!"

Taimtim siyang nanalangin sa kaibuturan ng kaniyang puso, na hindi sana maniwala si Jun Wu

Yao sa mga sinabi ng lalaki mula sa Palace of All Life.

Siguiente capítulo