webnovel

Patayin (6)

Editor: LiberReverieGroup

Nakatitig lang sa kawalan ang munting Emperor, walang bakas ng pagiging mortal. Bahagyang kumunot ang noo ni Jun Wu Xie at kinarga ang bata sa kaniyang mga bisig. Gayong maliit siya, wala siyang nagawa kundi ang kargahin ang munting Emperor. Nakaharap ang munting Emperor sa lalaki habang ito ay karga ni Jun Wu Xie. Ang mga mata nitong walang buhay ay nakatitig lang sa lalaki.

Subalit…

Tahimik na tumulo sa mga mata nito ang dalawang butil ng dugo bilang luha.

Nakita ni Jun Wu Xie ang mga naglalakihang urna sa courtyard habang karga niya ang munting Emperor. Sa bawat urna ay mayroong lamang isang tao na katulad ng lalaking namatay kani-kanina lang.

Iyon ang matinding kasalanang ginawa ng All Dragons Palace at kasalanang ginawa din ng Emperor ng Condor Country.

Itinatak sa puso ni Jun Wu Xie ang kasalanang iyon na paniguradong sisingilin niya.

Lumabas si Jun Wu Xie sa courtyard kasama ang munting Emperor. Si Lord Meh Meh at Sacrificial Blood Rabbit ay kasalukuyang nakikipaglaban sa mga sundalo ng Condor Country.

Dahil sa naramdaman ng tatlo ang pagdating ni Jun Wu Xie agad na inubos ng mga ito ang mga sundalo.

Ang mga sundalong natirang buhay ay takot na takot na tumitig sa tatlong halimaw na nasa kanilang harapan. Biglang sumulpot ang maliit na pigura bago pa man sila makabawi sa kanilang pagkakagulat.

"Little Black." Tawag ni Jun Wu Xie.

Lumapit naman ang black beast sa tabi nito.

"Iuwi mo siya." Isinakay ni Jun Wu Xie ang munting Emperor sa likod ng black beast.

Kahit na parang wala nang pag-iisip ang bata, ayaw niyang makita ng munting Emperor ang susunod na magaganap doon.

Kahit pa…

Ang mga matang iyon ay walang nakikita.

Agad na lumundag-lundag palayo ang black beast sakay ang munting Emperor sa likuran nito.

Akmang pipigilan ng mga sundalo si Little Black subalit hinarang ang mga ito ni Lord Meh Meh at Sacrificial Blood Rabbit.

"Sinong may kagagawan nito?" Naniningkit ang mga mata ni Jun Wu Xie na tinignan isa-isa ang mga sundalo.

Naguguluhang tumingin ang mga sundalo kay Jun Wu Xie. Oo, takot sila kina Lord Meh Meh at Sacrificial Blood Rabbit subalit hindi nila nakikita ang kanilang sarili kung bakit dapat silang matakot sa maliit na nilalang na nasa kanilang harapan. Hanggang sa…

Lumabas ang Purple Spirit glow sa katawan ni Jun Wu Xie.

Madali na lang kay Jun Wu Xie na abutin ang Purple Spirit Level gayong sinanay niya ang kaniyang sarili doon. Subalit dahil sa dalawang beses niya na iyong ginagawa ngayong araw, bahagyang inuubos nito ang kaniyang kapangyarihan.

Pero wala siyang pakialam. Ang tanging gusto niyang mangyari sa mga oras na iyon ay pagbayarin ang may gawa noon sa munting Emperor.

Iyon lang!

Hindi akalain ng mga sundalo ng Condor Country na ang batang nasa kanilang harapan ay isang Purple Spirit user!

Gusto nilang tumakas pero wala silang matatakbuhan!

Nang sila ay tumalikod, nasalubong ng kanilang paningin ang limang binatilyo na mayroon ding Purple Spirit glow!

Hindi makapaniwala ang mga sundalo ng Condor Country! Bihira lang silang makaharap ng Purple Spirit user at ngayon ay anim ang naririto sa kanilang harapan!

At ang nakakamangha doon ay pare-parehong bata pa ang mga ito!

Sumunod sina Qiao Chu kay Jun Wu Xie at hindi nila alam ang dahilan kung bakit bigla na lang sumabog sa galit ang madalas na kalmadong si Jun Wu Xie!

Siguiente capítulo