webnovel

Pagkatapos ng Digmaan (1)

Editor: LiberReverieGroup

Nabanggit sa kanila ni Jun Wu Xie ang tungkol sa mga plant based ring spirits noon na nagbigay sa dalawang lalaki ng ideya at hulaan ang tungkol doon, ngunit madali nilang naramdaman na huwag na magsiyasat pa tungkol doon. Kahit ano pa man ang pag-aari ni Jun Wu Xie, hangga't hindi iyon magpapahamak s akaniya, ay hindi na nila kailangan pa makialam.

Matapos gawin ni Jun Wu Xie ang niluluto, ay ipinainom niya iyon sa dalawa, at sa ilang araw ng tamang paggagamot, lahat ng bakas ng poppies ay tuluyan na maglalaho.

Sa huli, si Jun wu Xie ay hindi nagmamadaling umalis, at nagpatuloy ito sa paggawa ng mga elixirs at inubos lahat ng nakatago mula sa kaniyang Cosmos Sack upang ibigay lahat kay Jun Qing, upang ipamigay niya sa mga kawal na may matinding pinsala.

Si Mu Chen at Mu Qian Fan ay nagtungo doon upang makita rin si Jun Xie. Hindi nila alam ang tunay na katauhan ni Jun Wu Xie ngunit kilala nila si Jun Xie kaya't nagpunta sila at nakilala ang nagbabalat-kayong si Jun Wu Xie.

Ang dalawang lalaki ay nahabag sa mga tao ng Qi Kingdom sa digmaan na iyon at si Mu Chen ay sinabi rin na bukal sa loob niyang tatalikdan ang mga kondisyon ng kaniyang panagako kay Jun Xie at mananatili na sa Qi Kingdom at maninirahan sa Lin Palace. Ang eksena ng araw na iyon kung saan ang siyudad ay bumagsak at ang mga kawal ay namatay dahil sa pagsasakripisyo ay nag-iwan ng malalim at hindi mapapawi na marka sa kaniyang puso. Ang tatlong salitang Rui Lin Army ay gumulat sa kaniyang sa paraan na hindi pa niya nararanasan noon at pumapayag siya na ibigay ang kaniyang buhay para sa hukbong tulad nito.

Maging si Mu Qian Fan ay naghayag na nais niyang magboluntaryo na sumapi sa Rui Lin Army. Hindi niya nais na manatili bilang isang panauhin sa Lin Palace. Nais niyang maging miyembrong Rui Lin Army at ayaw na niyang protektahan siya ng mga kawal Rui Lin Army sa labanan!

Kaugnay sa mga kahilingan ng dalawang tao, si Jun Wu Xie ay nagpasalamat sa kanila, ngunit hindi siya agad sumang-ayon at sa halip ay sinabi sa kanila kausapin si Jun Xian tungkol sa mga bagay na iyon.

Ang Rui Lin Army ay nawalan ng halos kalahati sa kanilang bilang at para sa hukbo, iyon ay isang dagok na hindi pa nangyayari noon, ngunit naniniwala si Jun Wu Xie, na ang diwa ng Rui Lin Army ay humawa sa maraming tao. Hangga't ang tatlong salitang Rui Lin Army ay hindi nabubura sa mundo, ay hindi ito mawawala, ang mga kawal na namatay, ay magkakaroon ng mga kalooban na mamanahin ng mga tao kung saan ang kanilang mga buhay ay iniligtas.

Hindi nagbabanggit ng kahit ano, ngunit sa kasalukuyan, kung saan ang digmaan ay tapos na at ang mga tao ay bumabawi pa lang, maraming kabataan sa lahat ng panig ng Qi Kingdom ang nagmamadaling nagtungo sa Imperial City na may isang kahilingan!

Ang maging miyembro ng Rui Lin Army!

Sa digmaan, sila ay ipinagtanggol at prinotektahan ng Rui Lin Army. Ang mga kawal na namatay sa battlefield ay nagsindi ng mainit na daloy ng dugo sa puso ng mga kabataan at hiniling nila na magawa ring ipagtanggol ang kanilang bansa sa mga araw na darating, tulad ng kanilang mga tagapagtanggol, upang ipagtanggol ang kanilang lupain!

Parami ng parami ang mga kabataan na dumadagsa sa siyudad ngunit wala kahit isa ang may panahon na dalhin sila sa hukbo sa mga oras na iyon. Ang mga kabataang iyon ay nagkusa na magtungo sa iba't ibang lugar, upang muling ayusin ang mga kampong militar ng Rui Lin Army na yinurakan at winasak ng mga apoy ng digmaan, nagdala ng pagpapanumbalik sa gutay-gutay at nasira na Imperial City.

[Ang Qi Kingdom ay hindi kailanman maglalaho!]

Si Jun Wu Xie at Mu Chen ay nagtulungan upang magtimpla at gumawa ng mga elixir, pinunan angpangangailangan sa gamot pagkatapos ng digmaan. Matapos humupa ng mga apoy ng digmaan, ay may posibilidad na isang salot ang maaring kumalat, at upang kontrolin ang sitwasyon, silang dalawa ay tila ikinulong ang mga sarili sa loob ng parmasiya, nagpadala ng kahon-kahon ng mga elixir, upang ipamigay sa iba't ibang lugar.

Ang mga kawal ng Fire Country ay hindi nagbigay ng reaksyon sa kanilang Emperor sa pananatili nito ng matagal sa Imperial City, matapos makisalamuha sa mga tao ng imperial City sa Qi Kingdom, ay nagugustuhan na nila itong nagkakaisa at hindi masusupil na munting bansa, umabot pa na karamihan sa mga kawal ng Fire Country ay nakisama at nakihalo-bilo sa mga kawal ng Rui Ling Army, kung saan ay nanghingi pa sila ng mga aral sa taktika ng pakikipaglaban at pagsasanay na ginagawa ng Rui Lin Army.

Dahil sa isang salita ni Jun Wu Xie na alyansa, ay nagkalapit ang dalawang bansa, at itong isang alyansa, ay naglatag ng unang bato sa landas ng tadhana kung saan may maingay na pagkakataon na malapit nang makita, at iyon ay sasakupin ang buong panig ng Lower Realm sa hinaharap!

Siguiente capítulo