webnovel

Mob Slap – Ikalawang Paraan (3)

Editor: LiberReverieGroup

Ang Commander ng Condor Country sa salita ng Chief ay pinatay ang huling sinag ng pag-asa

sa puso ng dalawang commander.

Nang ang Emperor ng Fire Country ay personal na nagpakita sa Imperial City ng Qi Kingdom at

nilinaw ang kaniyang paninidigan na walang sinumang pinapayagan na gumawa ng kahit isang

hakbang papasok sa Imperial City, natural na wala sa kanila ang may lakas ng loob na hamunin

ang lakas ng Fire Country. Laban sa makapangyarihang bansa, kung uudyukin nila at galitin ang

mga ito, ang burahin ang parehong bansa ay magiging madali lamang tulad nang pag-inom.

"Sa walang kadahilanan, bakit sinasali ng Fire Country ang kanilang mga sarili sa mga ganitong

bagay? Ang Qi Kingdom ay napakalayo sa Fire Country, kaya bakit inuunat nila ang kanilang

mga kamay ng pagkalayo-layo!?" tanong ng isang commander, ang mukha niya ay maputla.

"Ano ang gagawin natin ngayon? Kakalabanin ba talaga natin ang Emperor ng Fire Country?

Maaaring… maaaring hindi iyon angkop." Saad ng isa pang commander, nalilito ang

ekspresyon sa mukha.

Nagsalubong ang kilay ng Commander in Chief ng Condor Country. Ang kasalukuyang

sitwasyon ay hindi naisip ninuman na mangyayari. Bagama't ang Condor Country ay malakas at

makapangyarihan, ngunit kumpara sa unlad at kapangyarihan ng Fire Country na ligtas na

nakalagak sa upuan ng paghahari, sila ay malayo pa rin. Kung talagang haharapin nila ang Fire

Country, ay wala silang makukuha na kahit ano mula doon.

Sa puntong iyon, kahit ang Commander in Chief ng Condor Country ay hindi mapigilan ang

kaniyang sarili na magpakita ng senyales ng pag-aalinlangan.

"Isang hamak na Emperor lamang at lahat kayo ay nanginginig na? Isang kalokohan." ang bata

na pinapanood sa isang sulok ang tatlong Commander ay napangisi ng makita ang

mapuputlang mukha ng mga ito.

Ang Commanders mula sa dalawang iba pang bansa ay mabilis na tumingin sa kaniya,

bahagyang nakasimangot ang mga mukha.

Ang taong ito ay kasa-kasama sa hukbo ng Condor Country sa simula pa lamang. May

magandang hitsura, ang katawan nito ay matangkad at balingkinitan, wala sa hitsura nito na

mula ito sa hukbo ng Condor Country. Sa simula ay wala silang pakialam tungkol doon, ngunit

habang tumatagal, ang Commander in Chief ng Condor Country ay may paggalang sa bata at

masasabi na ilang beses itong sinusunod ng Commander in Chief, kaya hindi nangahas ang

dalawang Commnader na maliitian ang pagkatao ng bata.

Ngunit ngayon, ang Fire Country ay sumama sa labanan at kahit na ang Emperor lamang ang

dumating, lahat ng naroon ay alam kung ano ang tunay na ibig sabihin niyon. Ngunit

gayunpaman, ang bata ay may mga sinasabi pa rin na walang paggalang kaya naman ang

dalawang Commander ay hindi nasisiyahan.

"Isang hamak na Emperor? Minamaliit mo ito! Alam mo ba kung gaano kalakas ang Fire

Country? Mula nang itinatag ang Fire Country, sila ay palaging nakaupo sa itaas ng iba't ibang

bansa. Karamihan sa kanila na labis ang tingin sa mga sarili at inudyukan sila ay nawalan ng

tirahan bansa sa huli at ginawang parte ng Fire Country, upang habang-buhay na maglaho sa

mundo!" hindi napigilan na palki ng isa sa mga Commander.

Sinulyapan siya ng bata at bakas sa mata nito ang disgust. Napuno ng takot ang puso ng

Commander in Chief ng Condor Country at mabilis na sinabi: "Lord Lin Xiao, [akiusap huwag

kang magalit. Ang sinabi niya ay pawing katotohanan lamang dahil ang Fire Country ay hindi

ganoon kadaling talunin."

Ang batang nagngangalang Lin Xiao ay bahaw na tumawa at inilipat ang tingin sa Commander

na lapastangang nagsalita upang nakangising sabihin: "Galit? Ano ang dapat ko ikagalit sa mga

tulad nitong basura? Naisip ko lamang na wala na kayong mas ilulubog pa. Ang alyansa ng apat

na bansa para lamang sakupin ang isang munting Qi Kingdom ay kinailangan pa na maglaan

kayo ng sobrang pagsisikap. At ngayon dalawang tao lamang mula sa Fire Country ang

nagpakita at kayo ay takot na takot na. Mga wala kayong kwenta."

Ang ekspresyon sa mukha ng Commander in Chief ng Condor Country ay hindi na maganda

ngunit siya ay nagpigil, habang ang mukha ng dalawang Commander ay nagdilim na nang

tuluyan. Bagama't hindi maihahalintulad sa lakas ng Condor Country, ngunit bilang Chief

Commanders ng hukbo ng kanilang bansa, hindi sila nararapat na insultuhin ng ganoon!

"Dalawang tao lamang? Huwag mo sabihin sa akin na hindi mo nakita. Nang nagpakita ang

dalawang taong iyon, ilang libo sa ating mandirigma na nasa labas ng tarangkahan ng Imperial

City ay namatay nang gutay-gutay ang katawan! Napakamangmang mo para isipin na

magpapakitang mag-isa dito ang Emperor ng Fire Country? Ang lalaki sa tabi niya, ay

nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan!" saad ng isa sa mga Commander sa nangangalit

nitong ngipin.

Siguiente capítulo