webnovel

Ang Spirit Stone Ng Devious Wyvern (2)

Editor: LiberReverieGroup

Sa tuwing magpapakita ang Drunk Lotus ay walang awa itong hinahabol ng itim na pusa at sa

tuwing ang Little Lotus ang magpapakita, ay lagi itong nililigalig at sinusundan ni Lord Meh

Meh, talon ng talon sa buong lugar. At ngayon, ay tumaas pa ng isang gatla ang mga bagay-

bagay. Ang Sacrificial Blood Rabbit at si Lord Meh Meh ay laging nag-aaway, bawat

pagkakataon na mayroon sila…

Naramdaman ni Jun Wu Xie na sumasakit ang kaniyang ulo. [Hindi ba kayang manahimik ng

dalawang hayop na iyon kahit isang beses lang?]

Ang piraso ng "suka" na "lihim" na sinipa ni Lord Meh Meh paalis sa higaan gamit ang

kaniyang paa ay nalaglag ito at gumawa ng isang malakas at malinaw na kalansing sa lupa,

nagpaikot-ikot ito sa lapag at maya-maya ay huminto.

Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie nang makita ang piraso ng "suka" ay sa katunayan isa pa

lang spirit stone na singlaki ng itlog ng kalapati!

Isa iyong jade green na spirit stone at nababalutan iyon ng laway ni Lord Meh Meh habang

nagliliwanag itong nasa lapag, makinis at makinang, sinasalamin ang liwanag ng araw na

pumapasok sa bintana.

Yumuko si Jun Wu Xie upang pulutin ang basa at malagkit na spirit stone gamit ang panyo na

nakatakip sa kaniyang mga daliri at dinala iyon palapit sa kaniya upang makita itong mabuti.

Walang makikitang lamat sa pirasong iyon ng jade green stone.

"Ito ang spirit stone ng Devious Wyvern?" naningkit ang mata ni Jun Wu Xie habang tinititigan

ang bato. Dahil nanggaling iyon sa bibig ni Lord Meh Meh, maaaring nanggaling iyon mula sa

Devious Wyvern na nilunok ni Lord Meh Meh. At dahil sa hindi natutunaw ang spirit stone,

ang ginawa ng Sacrificial Blood Rabbit na malakas na pagbagsak, itong hindi natutunaw na

spirit stone ay isinuka ni Lord Meh Meh!

Ang Devious Wyvern ay itinuturing na pinakamalakas sa lahat ng high grade Spirit Beasts at

higit doon, itong natatanging Devious Wyvern ay nagawa ng makumpleto ang tatlong ikot ng

kaniyang pagbabalat, kaya ito ay isa ng Guardian Grade Spirit Beast. Ngunit dahil sa ang

kapangyarihan nito nilang Guardian Grade Spirit Beast ay hindi pa tuluyang lumalaki ay wala

itong laban sa ganap ng kapangyarihan ni Lord Meh Meh.

Ang spirit stone ng Devious Wyvern na nasa kaniyang kamay ay may katangian ng isang

Guardian Grade Spirit Beast.

Ito ang uang pagkakataon na nakakita si Jun Wu Xie ng spirit stone na may katangian ng

Guardian Grade Spirit Beast. Bagama't hindi iyon ganoon kalaki ay malinaw na nararamdaman

niya ang purong kapangyarihan na lumalabas mula sa bato.

Ang spirit ring ni Jun Wu Xie ay hindi pa napapanday muli at kung papandayin muli ang

kaniyang spirit ring isang araw at ibaon itong Guardian Grade spirit stone doon ay siguradong

labis at pinakainam na bagay na maaaring ilagay niya doon!

Sa kaisipang iyon, maingat na pinunasan ni Jun Wu Xie ang spirit stone ng Devious Wyvern

bago niya inilagay iyon sa kaniyang palad upang surrin itong mabuti.

Ngunit, kalalagay pa lamang niya ng spirit stone sa kaniyang palad ng isang napakalakas na

tukso na naramdaman niya kanina sa Spirit Beast Arena ay muli na naman niyang

naramdaman!

Ang matinding kagustuhan na iyon na bigla na lamang umusbong sa kaniyang utak!

[Ano ang tunany na nangyayari dito?]

Malakas na iniling ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo upang labanan ang matinding kagustuhan

na nasa loob niya. Bago sa kaniya ang pakiramdam na iyon at ni minsan ay hindi niya pa

nararansan na mawalan ng kontrol sa sarili niyang emosyon.

Nahalata ng pusang itim ang kakaibang kilos ni Jun Wu Xie at mabilis itong lumundag sa tabi ni

Jun Wu Xie, nais niyang makita kung anong nangyayari kay Jun Wu Xie.

Ngunit sa parehong sandali nang tumalon ang pusang itim, ang kamay na gamit ni Jun Wu Xie

upang hawakan ang spirit stone ay sumabog ang isang gintong ilaw na matinding

nagliliwanag!

Ang liwanag ay hindi nakakabulag, at biglang naramdaman ni Jun Wu Xie ang kakaibang

kapangyarihan at ang hindi mailarawan na matinding tukso ng kagustuhan sa loob niya!

Munting gintong pangkuyapit na tila may sariling kamalayan ang nagsimulang ibalot ang

kanilang sarili sa spirit stone ng paunti-unti at unti-unti ay itinutulak iyon patungo sa gitna ng

palad ni Jun Wu Xie!

Ang biglaan na kakaiba at hindi maipaliwanag na sakit kapag ang isang bagay ay puwersahang

ipapasok sa iyong balat ay nagdulot ng malamig na pawis kay Jun Wu Xie. Nais niyang alisin

ang spirit stone sa kaniyang kamay ngunit ang gintong pangkuyapit na liwanag ay mahigpit na

hawak ang bato, dahan-dahan at unti-unting ibinabao ito sa ilalim ng balat ng palad niya!

Siguiente capítulo