Kung mapagtagumpayan ng isa na hamunin ang taong nangungunang ranggo at napanatili pa
rin ang unang pwesto ng hindi natatalo ng sinumang kalahok sa loob ng sampung araw, ang
kalahok na iyon ay makukuha ang premyo mula sa Spirit Beast Arena, isang Spirit Tamer
Bracelet na may kakayahan na mapaamo ang isang mababang uri ng Spirit Beast.
Sa oras na makuha na ang Spirit Tamer Bracelet, maaari na silang magtungo sa isa sa mga Clan
Halls na kanilang nais upang maging miyembro.
Ang apat na Clan Halls ng Thousand Beast City ay mayroong napakahigpit na pamantayan sa
pagpili ng kanilang mga miyembro at hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon. Layunin ni Qu
Wen Hao na madiskubre ang mga talentadong indibidwal ng Thousand Beast City at hindi
ayaw niya na ang mga taong likas na matalino ay hindi mapansin at mabaon, kaya naman
itinayo niya ang Spirit Beast Arena sa loob ng siyudad.
Kung titignan ang mga patakaran, iyon ay simple lamang ngunit maraming tao ang paulit-ulit
na sumasali. Ang manatili ang isang tao sa pinakamataas na ranggo sa loob ng sampung
magkakasunod na araw ay talagang napakahirap kamtan.
Ipinaliwanag lahat ni Qing Yu kay Jun Xie ang mga patakaran habang inaakay niya ito patungo
sa lugar.
Ang Spirit Beast Arena ay nasa sentrong rehiyon ng Thousand Beast City at talagang
napakalawak nito. Maiging sinisipat ng mga guwardiya na nakatayo sa may pasukan ang
bawat taong pumapasok sa lugar.
Sa loob ng Spirit Berast Arena, tanging ang mga labanan sa pagitan lamang ng mga Spirit
Beasts ang isinasagawa at mariing pinagbabawal ang kahit anong uri ng pandaraya o
panlilinlang. Kung may mangahas na gumawa ng ipinagbabawal upang makakuha ng
tagumpay, lahat ng may kasalanan ay haharap sa matinding kaparusahan. Sa mas seryosong
mga kaso, ang mga taong nagkasala ay maaaring ipatapon palabas ng Thousand Beast City.
At dahil si Qing Yu ang Deputy Hall Chief ng Fiery Blaze Clan Hall, ang mga guwardiya ay
mabilis siyang nakilala at napakagalang din ng mga ito sa kaniya.
Ngunit may mga patakaran ang Spirit Beast Arena na mahigpit na sinusunod ng mga iyon at
kahit si Jun Xie ay kasama ni Qing Yu ay ginawa pa rin nila ang matinding pagsusuri. Saka pa
lamang sila pinayagang makapasok matapos ang masusing pagsusuri.
Ang Spirit Beast Arena ay bukas sa itaas at ang battle stage kung saan naglalaban ang mga
Spirit Beast ay ganap na nakalantad sa kalangitan. Tanging ang lugar kung saan nakaupo ang
mga manonood na nakapalibot sa battle platform ang natatakpan sa itaas.
"Ang ibang Spirit Beasts na napaamo ng mga tao ay mga lumilipad na uri at kung mayroong
bubong sa itaas ay maaaring masikil ang lakas ng mga ganoong uri ng Spirit Beasts. Kaya
naman upang maging patas sa lahat, ang battle platform ay hindi tinakpan."paliwanag ni Qing
Yu kay Jun Xie habang itinuturo ang bukas na battle stage.
Tahimik na inobserbahan ni Jun Wu Xie ang sitwasyon sa loob ng Spirit Beast Arena. Ang
buong Spirit Beast Arena ay masasabing kayang mapuno hanggang kapasidad nito. Ang mga
tao ng Thousand Beast City ay mahilig magpaamo ng Spirit Beasts at nais ng lahat na ipakita
ang kanilang mga pinaghirapan sa mata ng lahat, upang kanilang mapatunayan na sila ay may
talento sa pagpapaamo ng Spirit Beasts. Lahat ng mga pribadong tunggalian at labanan sa
pagitan ng mga Spirit Beasts ay ipinagbabawal sa kahit saang parte ng Thousand Beast City at
iyon ang dahilan kung bakit ang Spirit Beast Arena ang pinakakilalang lugar sa Thousand Beast
City.
Maraming tao ang may kargang Spirit Beasts na hindi gaanong malaki at sila ay nakaupo at
naghihintay sa isang sulok. Ang iba ay may dalang Spirit Beasts na malalaki at ang mga Spirit
Beasts na iyon ay hindi pinayagang maghintay sa gilid tulad ng iba sa halip ay dinala sila sa
isang kamara sa ilalim ng Spirit Beast Arena kung saan pansamantala silang nakakulong at
pakakawalan lamang kapag sila na ang lalaban.
Nakahanap ng tagong puwesto na uupuan si Qing Yu at Jun Wu Xie. Sa battle platform ay may
dalawang mababang uri ng Spirit Beasts na naglalaban. Mapapansin ang mga sugat sa kanilang
katawan, bagama't ang Spirit Battle Arena ay mahigpit laban sa paggamit ng mga
ipinagbabawal upang gamitin sa pananakit ng mga Spirit Beasts, gayunpaman, hindi sila
nagtakda ng limitasyon kung gaano kalayo ang pwede marating ng labanan ng mga Spirit
Beasts. Kaya sa proseso ng hindi mabilang na mga labanan, ang mga pagkakataon na ang mga
Spirit Beasts ay magtamo ng matinding pinsala o kahit kamatayan ay kadalasang nakikita.
Ang dalawang mababang uri ng Spirit Beasts na ngayon ay balot na ng mga sugat ngunit
patuloy pa rin sa pakikipaglaban, ibinibigay lahat ng kaya nila sa madugong suntukan, ang
amoy ng masangsang na dugo ay kumakalat sa hangin. Kasabay ng mahalay at madugong
eksena na nasa kanilang harapan, ang mga manonood na nakapalibot ay nahuli sa isang
madugong daluyong, masayang sumisigaw, malakas na hiyawan na lumalabas sa kanilang mga
bibig, ang kanilang mga mata ay nangniningning sa kaligayahan, hindi matinag na nakatitig sa
malupit na labanan sa entablado.