webnovel

Ang Pang-apat na Prinsipe (4)

Editor: LiberReverieGroup

"Ganito yan, kakasimula ko pa lang matutong mag-cultivate ng spirit power at marami pa akong hindi naiintindihan. Kaya nagbabakasakali akong tuturuan mo ako? Walang mahanap ang aking Ama na magtuturo saakin. Kaya nang marinig ko ang aking Royal Brother na binanggit ka, pwede ba kitang maging study partner?" Sumulyap si Lei Fan kay Jun Xie. Hindi pa nakakasagot si Jun Xie ay muli itong nagsalita.

"Huwag kang mag-alala, kahit na ikaw ang aking magiging study partner hindi bababa ang tingin sa'yo ng kahit na sino."

Ang study partner ng isang prinsipe ay napipili sa mga anak ng opisyales ng Palasyo. Wala pang kahit na sinong ordinaryong tao ang nagkaroon ng ganitong pagkakataon. Kahit na sabihing isang study partner lang, ang makatapak at makilala ng Imperial Family ay isang malaking karangalan. Kahit na hindi ang Fourth Prince ang nakatakdang maging tagapagmana, paborito ito ng Emperor. Kaya naman ang maging isang study partner ay isang pagkakataong hindi gustong palampasin ng kahit na sino man.

Narinig ng mga nasa paligid ang sinabing iyon ni Lei Fan. Ang lahat ay nagulat sa sinabi niyang iyon!

Kapag ikaw ay naging study partner ng prinsipe, ibig sabihin ay lubos kang pinagkakatiwalaan ng prinsipe. Kapag umabot na sa tamang edad ang prinsipe at ipinama na dito ang trono bilang hari, ang study partner nito ay magkakaroon ng mataas na posisyon sa Yan Country!

Idagdag pang si Lei Fan ang paborito ng Emperor. Kaya naman ang maging study partner ng Fourth Prince ay mas magandang oportunidad kaysa sa maging kakampi ng Crown Prince!

Isa iyong pagkakataong hindi dapat pinapalampas!

Lahat ng mga kabataang nakarinig noon ay naiinggit na tumingin kay Jun Xie. Nagngingitngit ang mga puso nila. Hinihiling na sana sila ang binigyan ng ganoong pagkakataon!

Umaasa namang tumingin si Lei Fan kay Jun Xie. Ngunit sa loob-loob niya ay humahalakhak na siya. Hindi sumagi sa kaniyang isip na tatanggihan ni Jun Xie ang ideyang iyon. Di hamak na mas maganda ang maging study partner ng Fourth Prince kaysa ang maging malapit sa Crown Prince.

Hindi kumibo si Jun Wu Xie. Malamig itong tumingin kay Lei Fan, hindi mahulaan kung anong tumatakbo sa isipan nito.

"Personal kitang pinuntahan at inimbitahan upang malaman mo ang aking sinseridad." Saad ni Lei Fan.

Bumaling ang tingin ni Jun Xie sa iba nang marinig niya ang kaniyang pangalan naa tinatawag sa battle stage.

"Fourth Prince, ang pakay mo ay tinatawag sa battle stage." Hindi siya sumagot sa alok ni Lei Fan. Agad itong umalis at naglakad patungo sa battle stage matapos niyang magpaalam.

Dahil sa iniisip ni Lei Fan na agad tatanggapin ni Jun Xie ang kaniyang alok, nagulat ito nang hindi magbigay ng sagot si Jun Xie.

[Binalewala ni Jun Xie ang kaniyang imbitasyon?]

[Paano nangyari 'yon?]

Nanigas ang Nakangiting mukha ni Lei Fan. Bumakas ang malisyosong tingin sa mga mata nito.

Dahil sa siya nga ang naging paborito ng Emperor, wala siyang ginustong hindi niya nakukuha. Kahit na hindi naman talaga tinanggihan ni Jun Xie ang kaniyang imbitasyon, ngunit ang pagbabalewala nito sa kaniyang sinabi ay isa lang ang ibig sabihin---hindi nito tinatanggap.

"Ang kapal ng mukha mo." Bulong ni Lei Fan sa sarili habang nagtatagis ang mga bagang. Kahit na anong pagkukubli ni Lei Fan ng kaniyang nararamdaman sa oras na iyon, bumakas ang disgusto sa mukha nito.

Ang mga tinging natatanggap ni Lei Fan ay mas lalo pang nakapagpagalit sa kaniya.

Hindi niya inaasahang babalewalain siya ni Jun Xie ng ganun-ganon na lang.

Napako ang kaniyang tingin kay Jun Xie na nasa battle stage, hindi niya maatim na maupo na lang don. Agad siyang tumayo at walang lingon-likod na umalis siya ng first battle district. Ito ang unang beses sa kaniyang tanang-buhay na matanggihan.

Siguiente capítulo