Si Qu Ling Yue ay maganda at talagang kaibig-ibig, at ito ay hindi gaanong matangkad. Walang nag-akala na ang uang ranggo sa Spirit Battle Tournament ng War Banner Academy ay hawak ng isang malambing at pinong munting bata. Bagaman si Qu Ling Yue ay mukhang masungit at maliit, ngunit dahil sa alam ng lahat ang tungkol sa kaniya ay maraming tao ang mayroong hindi magandang hangad sa kaniya.
Ang ama ni Qu Ling Yue ang kasalukuyang Chief Chieftain ng Thousand Beast City at sa buong kasaysayan ng Thousand Beast City ay dalawang purple spirit ang lumitaw. Bagaman walang purple spirit ng mga panahon na iyon sa Thousand Beast City, ang kanilang katanyagan bilang makapangyarihan ay kinilala.
Hindi pa nakakasalamuha ni Jun Wu Xie si Qu Ling Yue noon. Kahit noong gabi ng piging sa Crown Prince's Residence ay nadaanan lamang niya ng tingin si Qu Ling Yue sa sulok ng kaniyang mga mata. Hindi malaman ni Jun Wu Xie kung bakit ganoon na lamang ang tingin sa kaniya ni Qu Ling Yue, isang tingin na iba kumpara sa mga naroon, walang poot ngunit tila ba may hinanahap ito.
Iniwas ni Jun Wu Xie ang kaniyang mata.
Maya-maya pa ay naglakad na papasok ang nangangasiwa sa palabunutan. Ipinatong sa ibabaw ng lamesa sa harapan ay isang seyadong kahon at may maliit na butas na sakto lamang sa kamay ng isang tao. Ang maiingay na kabataan ay biglang natahimik habang kinakabahan na nakatingin sa kahon. Alam nilang lahat na nakasalalay sa kahon na iyon kung gaano kalayo ang mararating nila sa Spirit Battle Tournament.
Pumila ang mga kabataan at isa-isang naglakad papunta sa harap upang makabunot ng numero. Bawat numero ay katumbas ng dalawang kabataan na maglalaban sa darating na unang laban.
Mabagal na naglakad si Jun Wu Xie. Tumayo siya sa pinkahuli ng pila at marami ang nakuha niyang atensyon. Halos karamihan doon ay nais na makatunggali siya, wala sinuman doon ang medaling labanan kundi ang munting bata na katulad niya.
Nang isang disipulo mula sa Dragon Slayers Academy ang naglakad papunta sa harap upang makabunot halos karamihan ay nagkandahaba ang leeg dahil sa pag-usyoso.
Nang makita ang reaksyon ng iba, ang disipulo mula sa Dragon Slayers Academy ay nalugod sa kaniyang sarili. Labas ang dibdib at taas noo na naglakad palayo sa lamesa, ang natatakot na tingin mula sa iba ay nagbibigay-kasiyahan sa kaniyang puso, pinupuno iyon ng kayabangan.
Ang nabunot ni Qu Ling Yue ay ang numerong labing pito at ang kabataan na lalaban sa kaniya ay nakaramdam nang pagkadurog ng makita niya ang numero sa kamay ni Qu Ling Yue.
Kahit gaano kalambing at kaibig-ibig tingnan si Qu Ling Yue, ang titulo nito na unang ranggo sa War Banner Acdemy ay sapat na upang makaramdam ang iba ng takot sa kaniya. Bukod sa mga disipulo ng Dragon Slayers Acdemy, ay wala na sinuman doon ang makakatalo kay Qu Ling Yue.
Ang mga natirang kabataan ay isa-isa na rin bumunot ng kanilang mga numero at bukod sa labing pito na numero, isang numero pa ang nangangahulugan ng kamatayan para sa kanila ang hindi pa nabubunot. Habang may pangamba na naglakad palayo ang mga kabataan sa malas na numero, bigla, sa kabuuan ng sahig, ay nakita nila na tanging si Jun Wu Xie na lamang ang hindi nakakabunot ng numero, at siya ang kahuli-hulihan.
Hindi na kailangan pa bumunot. Alam na ng lahat na huling numero sa kahon ay tiyak na numerong limampu!
Habang ang lahat ay nagbubunyi na hindi nila makakalaban ang mula sa Dragon Slayers Acdemy, ang mga kabataang din iyon ay nakaramdam ng awa na ang mahinang munting bata ay makakatapat sa unang laban ang mula sa Dragon Slayers Academy. Ang maging isa sa pinamalakas na kalahok laban sa mahinang katunggali… walang duda ang magiging resluta nito.
Habang ang lahat ay lihim na nagdalamhati na hindi nila nabunot si Jun Wu Xie bilang kanilang katunggali, ang isang tao na lihim na kinatatakutan ng lahat na makatunggali na mula sa Dragon Slayers Academy ay biglaang naging berde ang buong mukha!