webnovel

Ang Ika-walong Sampal 11

Editor: LiberReverieGroup

Dahil mabilis na nasusupla ni Fan Jin ang lahat ng kaniyang sabihin, si Ning Rui ay wala nang takas. Nakita niya ang mga

titig na ibinibigay ng mga disipulo at mga guro ng Zephyr Academy ay puno ng pagkadismaya at panghuhusga. Mukhang

lahat sila ay naniwala na sa mga sinabi ni Fan Jin.

Dahil sa rebelasyon ni Fan Zhuo sa tunay na katauhan ni Fan Jin, alam niyang ang rason na ginamit niya para maidiin si

Fan Jin na siyang pumatay sa kay Fan Qi ay hindi na kapani-paniwala!

Idagdag pa diyan ang mga inihayag ni Fan Jin at eksplanasyon sa totoong nangyari nang araw na iyon na kung si Fan Jin

nga ang totoong pumatayn sa kay Fan Qi, hindi niya hahayaang madali siyang mahuhuli sa akto!

Naging malapit silang mag-ama kaya mas pinatunayan nito na walang magandang rason para patayin ni Fan Jin si Fan Qi.

Sa kabilang dako, si Ning Rui naman…

Ang naging kapalaran ni Ning Xin alam ng lahat at napuri pa si Ning Rui dahil naging pantay ito at nagawang parusahan

ang sariling anak para sa hustisya. Ngunit ngayon, kung titingna, wala lang naging pagpipilian si Ning Rui ng mga

panahong iyon!

Malagkit na pinagpapawisan si Ning Rui dahil sa matatalim na titig ng mga tao na naroon sa bukana ng Zephyr Academy.

Si Gongcheng Lei na nakatayo sa kaniyang tabi ay namumutla na habang takot na nakatingin kay Fan Jin, iniisip niya kung

gaano karami ang naalala ni Fan Jin sa mga naganap ng araw na iyon, at kung naalala ba ni Fan Jin kinutsaba siya ni Ning

Rui…

Napagtanto ni Ning Rui na kahit ano pang gawin niya para pagbali-baliin ang katotohanan, hindi niya na maayos pa ang

lahat!

Sa tabi ni Fan Jin ay si Fan Zhuo. At habang si Fan ZHuo ay naroon at sinusuportahan si Fan Jin, kahit ano pang argument

na gawin niya magmumukha lang siyang isang payaso.

Mahigpit na kinuyom ni Ning Rui ang kaniyang mga kamao, hindi niya matanggap na ang kaniyang buhay ay malapit

nang matapos dito. Isang hakbang na lamang at matatapos n asana ang lahat, maidadala niya ang mga disipulo ng

Zephyr Academy sa Heaven's End Cliff. Hindi na sana siya muling guguluhin pa ni Gu Ying at siya na sana ang Headmaster

ng Zephyr Academy. At kahit pa mawala ang mga disipulo at mga guro ng Zephyr Academy sa loob ng Heaven's End Cliff,

madali na para sa kaniya na iakyat ang antas ng mga disipulo sa branch division sa ilang taon at maibalik ang estado ng

Zephyr Academy bilang nasa tuktok at tanyag na academy sa buong kalupaan! Siya sana ay isang tanyag at kinaiingitan

na Headmaster ng Zephyr Academy!

Ang estado at posisyon na matagal na niyang gustong makamit ay nasa harap na ng kaniyang mga mata, malapit niya

nang maabot. Subalit dahil lamang sa dalawang bagito, ang kaniyang plano, ang kaniyang ambisyon ay nadurog!

Kung kaya bakit hindi siya mamuhi sa dalawang batang ito?!

Ngunit ngayon, hindi niya na maiaayos ang lahat, pero…

Lumingon si Ning Rui at tiningnan niya si Gu Ying sa kaniyang tabi, ang kaniyang mga mata ay naging baga at kumislap

dahil sa naiisip.

[Ano ngayon kung nalinis na ni Fan Jin ang kaniyang pangalan? Ano naman kung naihayag na ang maitim niyang balak sa

lahat?]

[Ang buhay ng lahat ng mga taong ito ng Zephyr Academy ay hindi rin magtatagal. Kapag narating na nila ang Heaven's

End Cliff, siguradong mamatay lang din silang lahat doon. At walang kahit sino ang makakaalam sa nangyari ngayon!]

"Gu Ying, gusto mo pa rin bang tumuloy ang mga taong ito sa Heaven's End Cliff?" tanong ni Ning Rui sa mababang

boses, bumubulong sa katabi niyang si Gu Ying.

Iniisip pa din ni Gu Ying kung si Jun Xie ay nasa loob ng karwahe nang marinig niya ang ibinulong ni Ning Rui. Kumunot

ang kaniyang noo at sumagot "Ano? Ayaw mo na bang tumuloy?"

Tumawa si Ning Rui at nagsabing "Hindi ako sumisira sa usapan, pero kung ang mga taong ito ay gustong sirain ang ating

mga nailatag na plano at dahil na rin ang intensiyon mo ay ang maidispatsa ang taltong iyembro ng pamilyang Fan at ang

dalawa na nakaligtas ay ipiniresenta na ang kanilang sarili sa atin ngayon. Hindi na nila tayo pinahirapan pang hanapin

sila hindi ba?"

Tumaas ang kilay ni Gu Yin at sumagot "Kung inaasam mong mamatay sila, madali lang sa akin ang patayin sila."

Wala siyang interes sa kay Fan Zhuo at Fan Jin nang mga oras na iyon. Ang tanging nasa isip niya lamang ay ang malaman

kung nasaan si Jun Xie na paulit-ulit siyang naisahan!

At dahil napapayag na ni Ning Rui si Gu Ying, nakahinga ng maluwag si Ning Rui. Hindi na mababakas sa kaniyang mukha

ang takot. Hangga's ang mga taong naroon ngayon ay mamamatay, walang mkakaalam sa mga krimen na nagawa niya at

magiging Headmaster pa rin siya na siyang inaasam buong buhay niya!

Siguiente capítulo