webnovel

Ang Makulit na Buntot na Nakakubli sa Anino (9)

Editor: LiberReverieGroup

Natural lamang na itatago nila iyon at ipalit sa malaking halaga ng pera. 

Hindi alam ni Fan Jin na ganoon ang intensiyon nila at dahil dito ibinigay niya ang kaniyang parye ng Spirit Stone upang paghatian ng grupo ngunit tumanggi si Hua Yao.

Pagkatapos mabusog ni Panginoong Meh Meh, inilipat niya ang atensiyon sa mga "ignoranteng" tao. Sa mga mata niya, tanging ang kaniyang "feedstress" ang naratapat sa kaniyang atensiyon.

Ngunit...

Pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Qiao Chu, inangat niya ang kaniyang ulo at tiningnan ang kaniyang "feedstress" nang may pag-aalala.

Sa ilalim ng ilaw na binibigay ng apoy, walang mababakas na emosiyon sa mukha ni Jun Wu Xie . Nanatiling nasa baba ang tingin niya, habang kumakain ng kaniyang parteng pagkain.

[Pero paano kung ang kaniyang "feedstress" ay mag-isip ng paraan? Ano kaya ang gagawin nito?]

Dahil nag-aalala na baka siya ang sisihin ng kaniyang "feedstress", ang maliit na tupa ay tumayo ay lumapit pa lalo kay Jun Wu Xie. 

Inangat ni Jun Wu Xie ang kaniyang tingin sa tupa. Inabot ng kaniyang mga kamay ang malambot nitong balahibo. 

"Meh~"

[Papatunayan ko sa iyo na makakatulong ako, aking "feedstress".]

"?" Nagtaka si Jun Wu Xie sa inakto ng tupa. 

Dahil sa kagustouhang makuha ang pagsang-ayon ni Jun Wu Xie, may inaabot ang tupa sa ilalim ng balahibo nito sa likod. 

Pagkaraan ng ilang minuto, ang bibig nito ay punong puno ng kung ano. Ibinaba nito ang ulo at binuksan ang bibig.

Clink, clatter, clunk...

Iba't ibang kulay at laki ng Spirit Stone ang lumabas mula sa bibig nito at nagkalat sa paligid ng mga paa ji Jun Wu Xie. 

"..." lumaki ang mga mata ni Jun Wu Xie sa nakita.

Bumuka ang bibig ni Qiao Chu.

"Ito ba ay Spirit Stone?"tanong ni Fei Yan habang inaabot ang isa upang tingnan ito, ngunit, bago niya pa ito mahawakan, humarang ang isang maliit na paa ng tupa.

"Meh!"

[Ito ay para lamang sa akin "feedstress"!]

"..." ngumiwi ang bibig ni Fei Yan sa inis. Kahit hindi niya maintindihan ang sinasabi ng tupa, base sa reaksiyon ng tupa, alam niya na kung ano ang ibig sabihin nito.

Pagkatapos, inangat nito ang paa at itinulak ang mga Spirit Stone at inipon sa malapit kay Jun Wu Xie. 

"Meh~" mapagmalaking inangat ni Panginoong Meh Meh ang kaniyang ulo.

[Si Panginoong Meh Meh ay sadyang napakagaling!]

Nakatitig lang si Jun Wu Xie sa tupa. Marahang hinaplos niya ang mabalahibong tupa.

"Meh-" nasiyahan ang maliit na tupa at humiga sa tabi ni Jun Wu Xie. Kahit busog na ito, hindi pa din mapigilan na amoyin ang dami sa tabi ng mpaa mi Jun Wu Xie!

[Kung alam ko lang na magugustohan ni "feedstress ang makukulay na mga batong ito, dapat ay itinago ko na lahat ng mga bato na meron ang mga napapatay niyang Spirit Beast noon. ]

Hindi magawang tumingin ng maliit na itim na pusa at tinakpan ang mga mata. Hindi matanggap ng maliit na pusa na natakot siya ng walang utak at tangang tupa.

[Nakakahiya!]

Tiningnan ki Qiao Chu ang tumpok ng mga Spirit Stone, ang kaniyang mga mata ay kumikislap. Pero dahil sa ginawa ng tupa kay Fei Yan, hindi na niya tinangka pang hawakan ang mga bato.

"Little Xie, pagbalik natin, ano sa tingin mo kung dumaan tayo sa bahay-palitan ng mga Spirit Stone?" Ang tumpok ng mga Spirit Stone sa harap niya ay kumikislap, tila isang gabundok ng ginti sa kaniyang paningin.

Base sa kaniyang obserbasyon, ang mga Spirit Stone ay mukhang galing sa mga katamtamang antas ng Spirit Beast, at may mga nakahalo ding galing sa mataas na antas na Spirit Beast!

Mas madami pa ito kumpara sa mga nakuha nilang Spirit Stone na pinaghirapang makuha sa iilang araw nila sa Battle Spirits Forest.

"Oo naman." Tumango si Jun Wu Xie. Halos paubos na din ang pera na mayroon siya at maging siya ay intensiyong magtago ng ilang Spirit Stone habang naghihintay na makabalik si Long Qi at ang mga tauhan nito sa Zephyr Academy. 

Malaki ang pera na kakailanganin upang makapag enrol sa Zeohyr Academy at naisip niya na kailangan mayroon siyang perang naitatabi.

Siguiente capítulo