webnovel

Sunod-sunod Na Sampal-Ikaapat Na Porma (2)

Editor: LiberReverieGroup

Nagyari ang lahat sa isang iglap lang. Bumagsak si Lu Wei Jie sa puno at sumuka ng dugo. Bago pa siya makabangon, kwinelyuhan siya ni Long Qi at tinapon niya ito sa mga nadakip na disipulong kasama niya.

Mataas ang tingin kay Lu Wei JIe at sinasamba ito dahil sa tagalay nitong Spiritual Power sa lahat ng disipulo ng Zephyr Academy. Atg ngayon, nakita niya ang sarili niyang nakahandusay sa maruming lupa at walang kakayahan mag protesta.

Ang ilang kawal ay pinalibutan ang dalawampu na disipulo ng Zephyr Academy at hinugot nila ang matalim na espada na galing sa kanilang gilid ng baywang.

Tumama ang ilaw sa matalim na metal ng mga sandata nito... lahat ng dispulo ay nagmamakaawa.

"Hindi! Parang awa niyo na! Huwag niyo kaming paslangin! Hindi namin iyon sinasadya! Napagtano namin ang mali namin!"

Hinintay nila nakawin ang patay na mga katawan ng kawal Rui Lin Army. At ngayon, mga katawan nila ang nakahandusay sa malamig at maduming lupa. Nang Makita nila ang nakatutok sa kanilang espada, ang inaalagaang mga kabtaan ay lumuhod at nagmamakaawa para sa kanilang buhay. Ang ilan sa kanila ay basa na ang kianuupuan dahil sa ihi nila dahil sa takot.

Biglang dumilat ng Malaki ang mga mata ni Fan Jin sa nakita niya at ikinagulat niya ito.agad siyang tumungo dito at tumayo sa harapan.

"Heneral Long! Hawakan niyo ang espada niyo!"

Nakataas na ang espada ni Long Qi ngunit nag dalawang isip din ito ng ilang sandali.

"Alam kong hindi matawaran ang krimen nilang ginawa, ngunit sa kabila nito, disipulo pa rin sila ng Zephyr Academy. Pagbigyan mo na ang kanilang mga buhay bilang galang sa Zephyr Academy at nangangakong kapalit nito ay sagot na kakailanganin natin!" Humadlang agad si Fan Jin dito bago pa mangyari ang di niya ang di inaasahang pangyayari. Si Long Qi at ang tao nito ay nakikipaglaban at nakataya lagi ang buhay nila dito. Sila ang mga taong napapabilang sa kinakatakutan dahil sa mga atake nito, at ang paslang nito nsa buhayb ng mga disipulo ay madali lang gaya ng pagkain ng oridnaryoing pagkain. Alam ni Fan Jin na kung nagdalawang isip pa siya humadalang dito ay malamang sa malamang patay na ang mga ito.

Sumimangot si Long Qi, ang nakakamatay nitong tingin sa mga mata ay hindi naaalis at sinabing: "Dahil nagtangka silang magpaslang ng buhay ng iba, kailangan nila ito pagbayaran ng kanilang sariling buhay."

"Alam ko, alam ko, pero… hindi ba kayong lahat kahit papano ay buhay pa? alam kong malaking pagkakamali ang ginawa nila sainyo, pero… dalawampung buhay ang pinag-uusapan natin dito ngayon. At isa pa… hindi naman sila ang utak ng krimen na ito, kung hindi ay hindi naman sila tangang maghintay pa dito at magpaiwan. Marahil ay masama din ang kanilang intensyon ngunit, hindi sila karapat-dapat mamatay. Sobrang bata pa nila. Hinihingi ko ang konting awa mo Heneral Long bilang una't huling pagkakataon. Sigurado akong ang Zephyr Academy ang mgapaprusa sa ginawa nila!" Halos pakiramdam ni Fan Jin ay maiiyak na siya. Kung hindi siya anak ng Headmaster, masaya syang saksihan ang pagkamatay ng mga ito. Ngunit ama niya pa rin ang Headmaster ng Zephyr Academy, at kung hahayaan niyang mamatay ang mga ito ngayong araw, ay babagsak ang reputasyon ng Zephyr Academy.

Kahit tuwing Spirit Hunt, hindi na bago kung may mamatay na disipulo, pero para sa grupong ito ng mga tanyag na muntik ng maubos lahat, siguradong maraming kilay ang magsisitaasan. Para makapasok sa Zephyr Academy, lahat ng pamilya nito ay sikat at mayayaman, kung hindi man ay mula sa malalakas na tribu na galing sa isa sa pinaka may makapangyarihan sa buong lupa.

Kapag lagpas dalawampu ang mamatay sa kanila ngayong araw sa parehong pagkakataon, ang mga pamilya nito ay nasa pinto ng Zephyr Academy na mgahahanap ng sagot, maaring hindi ito masagot ng Zephyr Academy.

Hindi natigil ang pagpatak ng pawis ni Fan Jin, ang tibok ng puso niya'y sobrang lakas. Natatakot siya baka hindi pansinin ni Long Qi ang kanyang pakiusap at ipagpatuloy ang plano nito.

Tahimik lang si Long Qi at nakasimangot ito. Kung ibang tao lang ito ay sinipa niya na ito sa mukha kasabay ng utos. Para sa kanya na nabuhay at tinatawag na walang awa bilang military, hindi basta-basta mababago ang kanyang desisyon.

Ngunit, kasama nila si Fan Jin na kasama ni Jun Wu Xie at hindi niya babalewalain ang opinyon ni Jun Wu Xie sa ganitong pagkakataon. Tiningnan niya ito para sa opinyon.

Malamig ang tingin ni Jun Wu Xie sa nanginginig na si Lu Wei Jie at ng kanyang mga kasama. Hindi siya pamilyar sa mga mukha ng mga disipulo. Gaya ng sinabi ni Fan Jin, hindi ito ang utak ng krimen at wala ito dito kundi sina Ning Xin at Yin Yan na tumakas iniwan ang mga ito.

Siguiente capítulo