Totoo nga siguro! Hindi sila pahihirapan ng Hidden Cloud Peak ng walang dahilan! Maaring isang pagsubok ito para sa kanila. Kung kaya nilang tiisin pa ng kaunti, magiging ganap na disipulo na sila ng Hidden Cloud Peak!
Matapos silang masabihan na sila'y gagamutin ng misomg si Tandang Ke kung sila'y magkasakit, ang mga reklamo nila sa pagiging pagod ay biglang nawala. May iba pang ginusto ang paggamot ni Tandang Ke, kung kaya't pinilit nila ang kanilang katawan para sila'y tuluyang bumigay at makatanggap ng paggamot ni Tandang Ke.
Ang pangarap na bumalot sa mga walang muwang na kabataan ay nagbigay sakanila ng panibagong lakas at ang kanilang mga katawa'y biglang nakagalaw at naging determinado para magtagumpay.
"Mga tangang basura." Bulong ng isang disipulo habang siya'y nakatayo sa pasukan ng kwarto ng mga kabataan, ang mga mata'y nakatingin lamang sa mga sakripisyong walang alam sa kamatayang naghihintay sakanila sa dulo ng panaginip nila ng magandang kapalaran.
"Dadalhin na ba natin ang dalawang to sa Tanda?" Ilang disipulo ang lumapit at sumipa sa dalawang katawang nasa sahig.
"Dalhin niyo na. Hindi ko inakalang magkakaroon ng napakahinang mga ito na susuko sa pinakaunang gabi pa lamang ng kanilang pagdurusa. Tila wala talaga silang swerte." Walang naramdamang awa sa dalawa ang mga disipulo at hinatid sila sa silid ni Tandang Ke.
Sa kanilang pagpasok, walang pakundangan ang pagdala sa dalawang nahimatay at marahas silang binitbit. Matapos ang ilang panahon ay nasa gusali na sila kung saan tumakas sila Qiao Chu at Jun We Xie nung isang gabi.
Nakabukas ang pintuan ng gusali at ang mga guwardiya'y pinapasok ang dalawang disipulo nang makita nilang may bitbit itong dalawang walang malay na tao.
Matapos silang maipasok, itinapon sila na parang sako sa sahig.
Isang malakas na tunog, at nakasarado na ang pintuan ng gusali.
Nakahiga si Qiao Chu sa sahig, ang mukha'y nakahandusay parin sa lupa.
May magsasabi ba sakanya kung ano ang nangyayari?!
Bakit siya biglang nahimatay? At ang kanyang kinatakot pa lalo ay pagkatapos niyang mahulog, nanatili siyang may malay at narinig niya ang bawat salita sa usapan ng mga nakatataas na disipulo. Kahit na anong gawin niya, hindi niya nagalaw kahit ang kanyang mga daliri.
May malay siya at ang kanyang mga mata'y hindi lubusang nakasara, pinahihintulutan siyang makita ang mga nangyayari pero hindi siya… makagalaw!
Anong gamot ang binigay sa kanya ni Jun Wu Xie?! Bakit ganon ang kanyang kalagayan?!
Nang halos mawalan na ng pag-asa si Qiao Chu, bigla niyang napansin ang maliit na anino sa harapan niya. Tumalon ito sa kabila ng silid at tumigil sa aparador na puno ng garapon ng medisina.
Isang maliit na itim na pusa ang aninong kanyang nakita, at sa dibdib ay may nakasabit na ginto.
"Manatiling alerto. Ayoko ng istorbo." Isang katakot-takot na boses ang kanilang narinig.
Bago pa mainitan ng sinag ng araw ang malamig na sahig, naisara na uli ang mga pintuan.
Ang matitingkad na tunog ng kampanilya ang narinig nila Jun Wu Xie at Qiao Chu, at ang tunog nito'y palapit ng palapit sakanila. Tugma ang tunog ng kampanilya sa pagtibok ng kanilang mga puso.