webnovel

PAGPALIT NG PAMUMUNO (2)

Editor: LiberReverieGroup

Wala pang halos kalahating araw nang pamunuan ng Crown Prince Mo Qian Yuan ang Rui Lin Army sa Imperial Palace na ipakalat ang pagkamatay ng Emperor. Ipinag-atas na si Mo Qian Yuan ang papalit sa pwesto nito.

Ang seremonyas ng pagtanggap sa nakakataas na pwesto ay magaganap pagkatapos ng pitong araw.

Ang pagpalit ng pamumuno sa Kingdom of Qi ay nabago, ngayon ay payapa at tahimik.

Dahil sa madugong pagpatay ni Jun Wu Xie sa mga utusan ng Emperor sa Palace Gates, walang ni isang sumubok na umalma sa seremonyas ng pagtanggap.

Ang mga opisyales ng korte ay alam na malapit si Mo Qian Yuan at Jun Wu Xie sa isa't isa. Bilang si Mo Qian Yuan ang papalit na Emperor ang bakanteng posisyon bilang Empress ay hindi malayong pupunan ni Jun Wu Xie. Higit sa lahat, dahil sa nakakatakot na Rui Lin Army na nakahimpil sa Imperial City, napagpasyahan nilang manahimik na lang at hindi makialam.

Maayos na nagpatuloy ang preparasyon para sa seremonya, ipinag-utos ni Mo Qian Yuan na linisin ang buong Imperial Palace. Tinanggal din nito ang mga katulong na nagsilbi sa Second Prince at dating Emperor. Nasa kaniya na ang buong kapangyarihan para mamuno.

Kung dati ang kaniyang buhay ay puno ng banta, ngayon ay siya na ang papalit na Emperor. Para itong isang panaginip.

Kung hindi dahil kay Jun Wu Xie, malamang sa mga oras na ito ay patay na siya sa Crown Prince Residence.

"Kamahalan, naihatid na po sa Lin Palace ang na ipinag-utos ninyo." Mayroon pa siyang dalawang araw bago tuluyang mamuno sa katungkulan bilang Emperor ngunit ang mga naninilbihan sa Palace ay Kamahalan na ang tawag sa kaniya.

Ipinagwalang bahala muna ni Mo Qian Yuan ang mga bagay. Ang maupo sa trono, hindi siya masyadong nasisiyahan sa ideya nito.

"Hmm…Nakita niyo ba si Mis Jun?" Magmula ng araw na yon sa Imperial Hall, hindi niya pa ulit nakikita si Jun Wu Xie. Ang tatlong nakakulong sa piitan ng Imperial Palace ay nandoon pa rin hanggang ngayon. Ang kanilang buhay ay nakasalalay sa kamay ni Jun Wu Xie.

"Hindi po."

Tumango si Mo Qian Yuan bilang sagot. Nagpadala siya ng mga Jade Nectar sa Lin Palace. Alam niyang sa ngayon ay iba ang naiinteresan ni Jun Wu Xie pero baka sakaling magustuhan nito ang wine.

Dahil sa pagiging abala niya sa paghahanda para sa magaganap na seremonya, hindi siya makahanap ng pagkakataon para dalawin ito. Anuman ang balak ni Jun Wu Xie, panatag ang loob niya na napagplanuhan na nito ang lahat.

Sa Lin Palace, nakaupo sa harap ni Jun Wu Xie si Jun Xian at Jun Qing.

Ilang araw na ng nakalipas at hindi pa lumalabas muli si Jun Wu Xie sa Lin Palace, at ang kaniyang pagkakakulong ay dahil sa pag-iinteroga ng dalawang ito.

Simula sa pagpapatanggal sa Emperor sa pwesto hanggang sa pagpapalit ng pinuno, tinanong ng kaniyang ama at kapatid ang buong pangyayari. Nang malaman nito ang brutal na ginawa ni Jun Wu Xie sa pagpapatalsik sa Emperor, pinagpawisan ng malamig ang dalawa.

Ang Jun Family ay pamilya ng matatapang at magigiting. SIla ay mga diyos pagdating sa pakikipaglaban at giyera ngunit pagdating sa pulitika, salangat sila nito. Sa loob lamang ng ilang buwan, nagawang baguhin ni Jun Wu Xie ang pagkakakilala sa Jun Family. Sadyang kay bilis ng pangyayari at hindi na nagawang magbigay ng reaksyon.

"Talaga bang ikinulong mo sa piitan ang Emperor?" Mabilis ang tibok ng puso ni Jun Xian. Ang Jun Famiy ay tapat sa Imperial Family sa loob ng ilang henerasyon.

"Oo." Tumango si Jun Wu Xie bilang sagot.

Walang masabi sina Jun Xian at Jun Qing kundi ang magtinginan na lang.

"Mahusay mong nagawa nag plano mo para sa Crown Prince. Pero kay Bai Yun Xian, anong balak mong gawin sa kaniya?" Maayos nang naisagawa ang lahat ng plano kung kaya nman hindi na nagtanong si Jun Xian. Nag-aalala na lang siya sa sinabi ni Bai Yun Xian na darating ng Qing Yun Clan.

Hindi birong harapin ang Qing Yun Clan!

Siguiente capítulo